Thursday, November 30, 2017

Iba't Ibang Tawag sa Halamang Gamot na Sambong

tawag sa sambong

Ang sambong ay isa sa 10 aprubadong halamang gamot ng DOH. Kilala ito bilang gamot sa kidney stones, ubo, lagnat, rayuma at highblood. Mabisa rin itong pampaihi kung ikaw ay nahihirapang umihi nang ayos.

Ang sambong ay isang maliit na halaman na may mabalahibo o mabolong dahon. Marahil ay nadadaan-daanan mo ito sa mga masusukal o magugubat na lugar, o kahit dyan lang sa bakante nyong lote.

Maraming tawag sa sambong depende sa kung saang lugar ka sa Pilipinas. Narito ang iba't ibang tawag sa halamang gamot na sambong sa iba't ibang panig ng Pinas:


  • Tagalog - sambong
  • Bisaya - dalapot, halib on, gabun
  • Mindanao - pahed, pahid, gabbon, gabon, lakadbolan
  • Ilonggo - alibhon
  • Waray - lakadbulan, lakdan bulan, lakdan
  • Leyte - gabon
  • Bohol - hanlib
  • Samar - ginlakdan
  • Capiz - alimhon
  • Negros - alibhon
  • Sorsogon - lakadbolan
  • Dumaguete - dalapot
  • Bicol - lakad bulan
  • Aklan - hinalib on
  • Cebu - gabon


Anong tawag sa sambong sa lugar nyo? Comment na!

Saturday, November 25, 2017

Kailan Babalik ang Regla Ko Pagkatapos Kong Manganak?

Kailan Babalik ang Regla Ko Pagkatapos Kong Manganak?

Kung ikaw ay first-time mom, marahil ay nag-iisip ka kung kailan ba babalik ang iyong regla pagkatapos mong manganak.

Ang sagot dito ay DEPENDE.

Kung ikaw ay regular na nagpapasuso sa iyong sanggol, ang pagbalik ng iyong regla ay matatagalan. Sapagkat ang breastfeeding ay nagsisilbing "natural contraceptive" para hindi ka mabuntis ulit agad. Kapag kasi nagpapasuso ka, nadedelay nito ang menstruation mo.

Sa ibang mga ina na kapapanganak pa lang, hindi bumabalik ang regla nila kapag sila ay regular na nagpapasuso sa sanggol nila. Ang sanggol kasi, dapat ay exclusive breastfeeding hanggang sila ay mag 6 months old. So if ganito ka katagal mag-breastfeed, posibleng hindi ka magkaroon ng regla within 6 months.

Pero kung ikaw ay nag-foformula feeding lamang sa iyong sanggol, ang iyong regla ay babalik agad within 6-8 weeks (o mas maaga pa) kung hindi ka nagpapa-breastfeed.


References:

How soon will I get my period back after having my baby?
What to Expect from Your First Period After Pregnancy

Wednesday, October 11, 2017

Paano Malalaman Kung Buntis Ka?

paano malalaman kung buntis ka

Planado man o hindi ang iyong pagbubuntis, narito ang ilang mga senyales ng pagbubuntis. Ang tatalakayin lang natin dito ay ang "possible signs of pregnancy." Ang pinaka-maagang senyales ng pagbubuntis pero ito ay "posible" pa lamang, walang kasiguraduhan. May 3 kasing kategorya ang senyales ng pagbubuntis: possible, probable at definitive.

Sa possible signs of pregnancy, pwedeng ikaw ay nagdadalang-tao kung nararanasan o nararamdaman mo ang mga ito:

- Hindi ka nagkakaroon ng regla mahigit 6 na linggo na.
- Pagsusuka at pagkahilo. Makakaramdam ka nito as early as 2 weeks after ng pagtatalik.
- Pananakit, pamamaga at paglaki ng suso. (Pero pwede rin itong senyales na magkakaregla ka na)
- Mas mabilis ka nang mapagod.
- Mas madalas na ang iyong pag-ihi. (Kasi habang may batang lumalaki sa tiyan mo, natutulak nito ang iyong urinary bladder o pantog na nagtritrigger para ikaw ay laging maihi)
- Stretch marks.
- Pagkakaroon ng mga ugat-ugat sa hita, binti at ibang parte ng katawan. (Kasi may dagdag na "pressure" sa iyong katawan kaya lumalabas ang mga ugat)
- May parang pag-galaw sa loob ng iyong tiyan. (Bagamat ilang linggo pa lang ang nakakalipas after mong makipagtalik, posible rin na may maramdaman kang kakaiba sa iyong tiyan)

Maaari ka ding bumili ng pregnancy strips sa botika para malaman mong buntis ka. May nakalagay namang instructions sa packaging nito kung paano ang paggamit.

Wednesday, October 4, 2017

Halamang Gamot para sa Hika o Asthma

halamang gamot para sa hika o asthma

Base sa Healing Wonders of Philippine Medicinal Plants, narito ang ilang mga halamang gamot para sa may hika o asthma:

1. Talampunay

talampunay hika asthma

Paano gamitin:

1. Magpatuyo ng dahon ng talampunay.
2. Mag-rolyo ng 2 pinatuyong dahon, sindihan at gamitin na parang sigarilyo.
3. Gawin ito every 6 hours.

Matagal nang ginagamit ang talampunay sa mga may asthma o hika. May mga records ng paggamit nito sa Great Britain. Meron daw kasing atropine ang talampunay kaya naman nakakatulong ito para mawala ang bronchial spasm o paninikip ng dibdib ng mga hinihika.


2. Kalatsutsi

kalatsutsi hika asthma

Paano Gamitin:

1. Magpatuyo ng dahon ng kalatsusi.
2. Mag-rolyo ng 2 pinatuyong dahon, sindihan at gamitin na parang sigarilyo.
3. Gawin ito 1x sa umaga at 1x sa gabi.

Meron daw kasi itong ant-inflammatory properties na nagpapahupa ng pamamaga ng airways ng ating mga baga.


Iba pang mga halamang gamot para sa hika o asthma:

- sampalok (bark)
- kulitis

Saturday, September 23, 2017

Ano ang Gamot sa Ubo ng Baby?


Kung may ubo ang iyong baby o sanggol, huwag mo siyang paiinumin ng gamot sa ubo na pang-matanda. Iba ang formulation o pagkakagawa ng mga gamot pang-matanda. Kumbaga, "mas matapang" ito.

Kung wala ka pang pangpa-checkup at naghahanap ka ng gamot sa ubo ng baby, i-share ko lang yung nabasa ko from Buhay OFW. (Paborito ko yang source kasi mga doktor talaga nag-susulat ng mga articles dyan).

So ayon kay Dr. Jen ng Buhay OFW, ang mga safe na gamiting gamot sa ubo ng baby ay ang mga sumusunod:

Saline nasal drops


Ayon kay Dr. Jen, safe daw gumamit ng saline nasal drops. Hindi naipaliwanag sa article na nabasa ko sa Buhay OFW kung "ano" ang saline nasal drops, pero nakakatulong daw ito para palambutin ang sipon ng iyong baby at nang siya ay makahinga ng maluwag.

Para magkaroon kayo ng idea kung ano ang saline nasal drops, check nyo etong picture na na-google ko. Bale gamot siya na ipinapatak sa ilong ng iyong baby. May maliit na dropper at depende sa dosage na nakalagay sa brand ng gamot na inyong nabili, ipapatak nyo iyon sa butas ng ilong ng inyong baby.

saline nasal drops for baby

Para gamitin ang saline nasal drops, basahin ang instruction na nakalagay sa box. Pero kadalasan, ganito ang paggamit ng saline nasal drops: (Source)

1. Maghugas muna ng kamay bago ibigay ang saline nasal drops.
2. I-check muna kung may nakabarang uhog o sipon sa ilong ng iyong sanggol. Kung meron, linisin ito gamit ang suction bulb (yung pang-baby). Pag kasi barado, hindi papasok sa loob yung ibibigay nyong saline nasal drops.
3. Takalin ang tamang dosage ng saline nasal drops (gamit ang measurement na nasa dropper mismo).
4. Kargahin si baby at suportahan siya gamit ang isa mong kamay. Medyo itingala si baby.
5. Pisilin ang dropper sa isang butas ng ilong ni baby. Dahan-dahan lang para hindi masamid. (Kasi di ba, nakakonekta ang ilong sa lalamunan).
6. Hayaang karga si baby sa loob ng 5 minutes para tuluyang pumasok ang gamot.

Tubig at Breastmilk

Maging sanggol, bata o matanda, kapag may ubo, ang the best pa rin dyan ay pag-inom ng tubig. Tubig para sa mga sanggol na above 6 months na, at breastmilk naman para sa below 6 months ang edad.

Ang tubig at breastmilk ay nakakatulong din para palambutin ang uhog o sipon para mas madali itong maiubo ni baby. Dalasan ang pagpapa-inom ng tubig o pagpapadede sa baby kapag siya ay may ubo at sipon.

Honey


Ayon kay Dr. Jen, pwede raw ang honey sa mga baby o batang nasa 1 year old and above ang edad. Pero pag buwan pa lang ang edad, hindi pwedeng ibigay ang honey.

Bigyan ang bata ng kalahating kutsarita ng honey bago matulog. Nakakatulong ito para maibsan ang makati o nakakairitang lalamunan ng iyong baby kapag siya ay may ubo.


Para sa mas detalyadong gamot sa ubo ng baby, check niyo etong article ni Dr. Jen sa Buhay OFW.

Must Read

loading...