Saturday, September 6, 2014

Ano ang Gamot sa Lagnat? - for adults

gamot sa lagnat


Masasabing may lagnat o fever ang isang tao kapag mahigit 37 C ang kanyang temperatura.

May iba't ibang paraan ang pagkuha ng temperatura. Kadalasan ngayon, tinitingnan kung ikaw ay may lagnat sa pamamagitan ng underarm / armpit / axillary temperature. 

Ang normal na axillary temperature ay nasa pagitan ng 36.9 C - 37.4 C. Posibleng ikaw ay may lagnat kapag lumampas ang iyong temperatura sa range na ito.


Sanhi ng pagkakaroon ng lagnat


Marami ang pwedeng maging sanhi ng lagnat. Ang kadalasang sanhi ng pagkakaroon nito ay ang mga sumusunod:

- pagkakaroon ng impeksiyon sa tenga, baga, balat, lalamunan, pantog o bato
- dehydration o pagkatuyo ng tubig sa katawan
- pagkakabilad sa init ng araw o mainit na lugar

Maaari ring maging sanhi ng lagnat ang:

- epekto ng pagbabakuna
- side effect ng pag-inom ng gamot


Sintomas ng lagnat


Bukod sa pag-init ng katawan, masasabing ikaw ay may lagnat kung nararamdaman mo ang mga ganitong kalagayan:

- pamamawis
- panlalamig
- pananakit ng ulo
- pananakit ng katawan
- kakulangan ng gana sa pagkain
- dehydration
- panghihina


Gamot sa lagnat


Ang simpleng lagnat ay maaaring gamutin lamang sa inyong tahanan. Narito ang iba't ibang paraan upang malunasan ang inyong lagnat:

1. Uminom ng maraming tubig, juice o humigop ng mainit na sabaw upang mapalitan ang nawawalang tubig sa katawan.

2. Magpahinga. Hayaang magpahinga ang taong nilalagnat upang manumbalik ang lakas. Kadalasan, nawawala ang lagnat pagkalipas ng 2-3 days.

3. Bigyan ng sapat na bentilasyon. Buksan ang bintana upang makapasok ang hangin, pero huwag hahayaang matamaan ng direktang hangin.

4. Pagsuotin ng angkop na damit. Kung ang taong nilalagnat ay nilalamig, bigyan ng kumot o jacket. Kung hindi naman siya nilalamig, huwag ipagpilitang pagsuotin ang may sakit ng makakapal na damit.

5. Punasan ang nilalagnat. Huwag munang payagang maligo ang nilalagnat sapagkat maaaring maging sanhi ito ng panggiginaw. Sa halip, punasan ng maligamgam na tubig ang katawan ng may sakit gaya ng noo, mukha, kilikili, braso, kamay, dibdib, hita, binti at paa. Maaari ding ipampunas ang pinaglagaan ng dahon ng suha o sambong.

6. Uminom ng gamot sa lagnat. Ang kadalasang pinapainom sa may lagnat ay: paracetamol (Biogesic), acetaminophen (Tylenol) at ibuprofen (Advil, Motrin). Uminom ng gamot tuwing ika-4 na oras (8am-12nn-4pm-8pm-12mn). Subalit, depende pa rin ito kung ano ang nakalagay na direksyon sa pag-inom ng gamot sa lagnat.


Kailan dapat kumonsulta sa doktor


Bagamat ang lagnat ay pwedeng gamutin sa bahay, kumonsulta sa doktor kapag nakakaranas ng ganitong sintomas:

- kapag pabalik-balik ang lagnat at mahigit 3 araw na
- may pamumula ng balat o rashes
- paninilaw ng balat
- pamumutla
- labis na panghihina at pangangayayat
- paninigas ng leeg
- hirap sa pagdumi at pag-ihi

Ang mga ganitong sintomas ay maaaring indikasyon ng ibang sakit na kailangang bigyan ng karagdagang lunas.



Previous Post
First

About Author

36 comments:

  1. ano pong gamot sa lagnat na balikbalik pwde ba tulungan nyo po ako kasi hindi po ako makapunta sa hospetal kasi nandito po ako sa work ko hirapan na ako sa pagkain kasi paet hindi po ko matangamtaman ng lasa..,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Grezylmae. Kung pabalik-balik na ang iyong lagnat sa loob ng 3 araw, kailangan na talaga magpakonsulta sa doktor. Pero kung wala ka pa talagang oras dahil sa iyong trabaho, mangyaring sundin na lamang ang mga angkop na lunas na nakasaad sa artikulo. Tungkol naman sa iyong panlasa, normal na nararanasan ng taong may lagnat ang pagkakaroon ng mapait na panlasa. Pero para makakain ka nang maayos, malalambot na pagkain ang iyo munang kainin gaya ng lugaw, sopas at gulay na may kanin. Iwasan muna kumain ng mapupulang karne gaya ng baka at baboy. Manok, pwede pa. Kung magluluto ka ng gulay at karne, mas okay yung may sabaw. At bago kumain, ugaliing magsipilyo ng ngipin at dila para matanggal yung latak na pagkain at mag-improve ang iyong panlasa. Sa inumin naman, pwede kang uminom ng juice gaya ng orange, calamansi or dalandan. Huwag muna softdrinks. Kung minsan, kaya pabalik-balik ang lagnat kasi hindi ka umiinom ng gamot na ayon sa oras at hindi ka nagpapahinga, kaya nabibinat.

      Delete
  2. Ako po si starsh tanong ko lang po kung may lagnat po ba sa luob ng katawan? Kasi po mainit ang mata ko at mainit ang luob ng katawan ko, consider as fever po ba yon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Starsh. Maaaring yan ay indikasyon na malapit ka nang magkaroon ng lagnat. Kadalasan, kapag ang tao ay lalagnatin, magiinit ang loob ng katawan nito at madalas din na mag-init ang mga mata kasi nag-rereact ang mga ito sa pagtaas ng temperatura ng katawan.

      Delete
  3. Pano po kung pabalik balik ung lagnat ko pero, every week naman po, tulad nung christmas tapos po nung new year tapos ngayon na naman po, nilalagnat ako, ano pong dapat gawin?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Jane. Kung nakakaranas ka ngayon ng lagnat, maaari mong gawin ang mga lunas na nakasaad sa artikulo. Pero dahil abnormal na pabalik-balik ang iyong lagnat every week, kailangan mong magpa-checkup sa doktor para makasigurado kung ano talaga ang sanhi niyan at malapatan pa ng karagdagang lunas. Kadalasan kasi, ang pangkaraniwang lagnat ay tumatagal lamang ng 2 hanggang 3 araw. Kung humigit pa rito, maaaring indikasyon ito ng iba pang sakit.

      Delete
  4. hi po .ung anak ko po ksi tatlong arw na nilalagnat .binakunahan po ksi sia tas hanggang ngaun po hnd pa po nawawala lagnat nia . 37.4 tas 38.6 at minsan po umaabot na ng 39.5 . 6 months pa lng po ang baby ko . ngaun po mainit nanamn po sia . anu po kaya ang dapt ko pong gawin ? . salamat po ! paki sagot amn po . marami pong salamt .weyt ko po sagot nio . salmt po ulit

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Angela. Isa sa side effects ng vaccination ay low grade fever o lagnat na hindi lalagpas sa 38 degrees Celsius. Ito ay nangangahulugan lamang na bumibisa ang bakuna. Pero dahil ang iyong baby ay nagkakaron ng lagnat na higit sa 38 degrees Celsius, ipa-check up mo na siya sa doktor para mabigyan ng angkop na lunas. Hindi ako makakapagbigay ng gamot na pwede mong ibigay sa kanya o kung anuman sapagkat ang klase at dosage ng gamot ay depende sa maraming factors gaya pangkabuuang kondisyon ng iyong baby, timbang, at iba pa. Para naman medyo bumaba ang lagnat ng iyong baby at hindi siya ma-dehydrate ay ang walang palya na pag-breastfeed.

      Delete
    2. ahh salamt po .
      now po ksi wla na po sia lagnat hnd kopo cia pinacheckup peu po niresetahan po kmi ng doktor na painumin dw po ng paracetamol lg po . hnd amn po sguro toh sakit na malala po nuh ? malaks amn po sia dumede skn po . parang normal lg po .. hnd amn po toh cguro sakit na malala ? alalang ala po ksi ako ii . salmt po

      Delete
    3. Hi Angela. Para mawala ang iyong pag-aalala sa iyong baby, ipa-checkup siya sa doktor. Ang Pinoy Health Tips blog ay naglalayon lamang na magbigay ng tips para sa kalusugan. Hindi nito pinapalitan ang anumang ekspertong mungkahi ng mga doktor.

      Delete
  5. Hi po ask ko lang. Yung father ko po 3days ng my lagnat mawawala tapos babalik ulit. Naghihina din ang kanyang katawan ano po kaya pwedeng gawin? Salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Maxima. Isa sa sintomas ng lagnat ay panghihina ng katawan kaya ina-advise na magpahinga. Nagpapahinga ba ang iyong tatay at umiinom ng gamot sa tamang oras? Kung walang nilalapat na lunas o kahit anong home remedy, babalik at babalik talaga ang lagnat, kumbaga parang nabibinat. Para sa iba pang karagdagang lunas sa lagnat, basahin ang "Gamot sa lagnat" na section ng artikulo. Kung hindi pa rin gumagaling ang lagnat ng iyong tatay sa loob ng 3 araw, ipa-checkup na siya sa doktor.

      Delete
  6. Magandang araw po pwede po bang uminom ng planax ang nilalagnat?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Faizzar. Ang Flanax ay pain reliever na gamot. Para saan mo ba gagamitin ang Flanax? Para sa masakit na ulo at katawan ng nilalagnat? Para makasigurado, magpakonsulta sa doktor.

      Delete
    2. Maraming salamat po sa pagreply sobrang sakit po kasi ng aking ulo at nilalagnat po ako ng dalawang araw na.. itatanong ko na din po kasi wala akong panlasa kaya wala po akong gana kumain pano ko po kaya muling maibabalik ang panlasa ko bigyan naman po ninyo ako advice maraming salamat po ulit.

      Delete
    3. Kapag more than 3 days na, pa-consult ka na sa doktor. Pag may lagnat talaga, walang panlasa kaya naman walang gana. Pero para makakain ka nang maayos, malalambot na pagkain ang iyo munang kainin gaya ng lugaw, sopas at gulay na may kanin. Iwasan muna kumain ng mapupulang karne gaya ng baka at baboy. Manok, pwede pa. Kung magluluto ka ng gulay at karne, mas okay yung may sabaw. At bago kumain, ugaliing magsipilyo ng ngipin at dila para matanggal yung latak na pagkain at mag-improve ang iyong panlasa. Sa inumin naman, pwede kang uminom ng juice gaya ng orange, calamansi or dalandan. Huwag muna softdrinks.

      Delete
    4. Maraming salamat po malaking tulong po ang inyong advice.

      Delete
  7. may lagnat po nako pangatlong arw palang po??? twing spit po ang bandang hapon tumataas po ang aking tempiratura??? pag nakainum npo ako ng gamot every fout hours okaey po sya but po ngayun kaht umga palng mainit na naman po ako wala rin po akong ganaang kumain at nanghina rin po ako??? ano po bang gamot ang maari kong inumin???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Since inabot na ng 3 days ang iyong lagnat, kailangan mo ng magpa-checkup sa doktor.

      Delete
  8. tapos po yung lalamunan ko my panunuyo po sya tapos po yung may sipon nrin po ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uminom ka ng mas maraming tubig imbis na 8 glasses of water a day lamang kasi may lagnat ka.

      Delete
  9. Hi po. May lagnat po ako ngayon pang 3 days na po sya. Kagagaling ko lng dn po sa lagnat kya natatakot po ako. Bago po ako magkalagnat, nung Wednesday ang sakit ng lalamunan ko then nung madaling araw po giniginaw ako. As in sobrang nanginginig po ako. Umiiyak na lang po ako kasi sobrang sakit ng ulo ko at lalamunan, hirap makakain pero pinipilit ko po. Saging, may sabaw ang kinakain ko. Pabalik-balik po sya, kasi pag mag gagabi na wla na lagnat ko. Tapos pag natulog na ako nararamdaman ko na naman na nilalamig ako kinabukasan may lagnat ulit ako. Ganon po yung cycle everyday since nagka fever ako. I want to consult the doctor na nga po eh, sguro bkas if hndi pa rn nawala yng fever ko. Then yesterday evening po nasusuka ako pero wla pong malabas, prang feeling ko lng na nasusuka ako. Hinang hina na dn po ako. Umiinom naman po ako gamot. Sna hndi po malala yng sakit ko. Thankyou po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Graceshan. Mas mabuti pa ngang kumonsulta ka na sa doktor para masuri ang iyong kalagayan. Minsan, ang pananakit or pamamaga ng lalamunan ay nagdudulot din ng lagnat. Kaya naman, para mawala ang lagnat, kailangan mong gamutin ang sanhi nito. At tungkol dun sa para kang nagsusuka, mas sensitibo talaga ang pang-amoy ng tao kapag siya ay may lagnat. Marahil ay nakaamoy ka ng pagkain na masyadong matapang ang amoy gaya ng patis, bagoong, suka at iba pa.

      Delete
  10. Pwde po ba maging sanhi ng pagkalagnat ko po ngayon ay kulang sa tulog at sa pahinga at napapagod? Thankyou po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maaari. Mayroon tayong tinatawag na psychogenic fever o lagnat na ang sanhi ay stress.

      Delete
  11. Panglimang araw ko na pong lagnat ngayon. Pabalik-balik po sya. Umiinom naman po ako ng gamot. Nagsimula ito nung sumakit ung tagiliran ko at akala ko nawala na. Nung Sabado, nadarama kong masakit yung lalamunan ko pero di ko pinansin. Instead, naligo ako at nagsimula akong ginawin nung Sunday sa gabi na syang ikinasakit ulit ng tagiliran ko. Ngayon, di na sya masyadong masakit.
    Kagabi nga po nasuka po ako kasi after ko kumain, ininom ko agad ang isang baso ng 4 seasons juice tapos tubig tapos gatas. Patulong po. Salamat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Heziel. Isipin mo kung bakit sumakit yung tagiliran mo. May pilay ka ba sa tagiliran? Kung minsan, nagkakaroon ng lagnat kung may pilay sa katawan. Pwede rin magkaroon ng lagnat dahil sa pananakit ng lalamunan. Para mas makasigurado ka, pa-checkup ka na sa doctor since 5 days na, tapos masakit pa tagiliran mo at masakit pa lalamunan mo. Baka hindi lang lagnat yan.

      Delete
  12. Mukha nga pong pilay din po ito. Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  13. Hello po.. Pangalawang araw ko ng nafefeel ung mainit ang loob ng katawan ko, namamalat Ung boses ko, at barado ang ilong.. Until now pangatlo na, ganun parin.. Akala ko magkakatrangkaso na ko... Pero wala, nafefeel ko na may lagnat ako inside lng. Tas Sa labas wala.. Normal po ba ito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marahil, kaya mainit ang iyong pakiramdam sa loob ng katawan ay dahil sa iyong ubo at sipon. I-aassume ko na may ubo at sipon ka kasi namamalat at barado ang ilong mo. Normal lang na mag-init ang pakiramdam sa loob ng katawan kapag may ubo at sipon. Pero para mawala ang nararamdamang lagnat, dapat bigyang lunas ang ubo at sipon. Kung hindi pa rin gumagaling hanggang ngayon, pinaka the best na solusyon is magpa-checkup sa doktor para sa mabusising health assessment. Ang blog na ito ay nagalalayon lamang na magbigay ng basic na impormasyon para sa kalusugan.

      Delete
  14. Hi po ako si jhun ask ko lang po. Apat na araw n po kasi akong my lagnat pero ngaun po halos wala na po pero nahihilo parin po ako pati sumasakit yung mga kasu kasuan ko, para din pong may mapait sa lalamunan ko.. salamat po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Jhun. Recommended na talaga na magpa-consult sa doctor if more than 3 days na ang lagnat. Anu-ano bang gamot iniinom mo?

      Delete
  15. hi po! ako po si jeff! tanong ko lang po, may lagnat at masakit po ang ulo ng asawa ko! ung unang araw po pina inom ko po sya ng alaxan fr! tpaos nawala po ung lagnat nya mga 12hours tapos po paglipas po ng isang araw ay nagkalagnat po ulit sya! pinapainom ko naman po ngaun biogesic may isang araw na po sya na may lagnat! anu po ba pede ipainom na gamot sa asawa ko!? hindi po kaya sya na binat kasi po naglinis po sya kasi agad ng bahay kinabukasan. sana po matulungan nyo ako! maraming salamat po!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede na ang Biogesic. Halimbawa, kung pinainom mo ngayon ng Biogesic ang asawa mo, after 4 hours, painumin mo ulit siya ng gamot. Di mo na kailangang sabayan pa ng ibang gamot para mawala yung sakit ng ulo niya, kasi ang Biogesic, may pain reliever properties din siya. Gaya ng nakasaad sa artikulo, uminom ng gamot sa lagnat tuwing ika-4 na oras. Pero ang frequency o dalas ng pag-inom ng gamot ay depende pa rin sa gamot na binili mo. Hindi lahat ng gamot sa lagnat ay tuwing ika-4 na oras ang pag-inom. (Pero ang Biogesic, every 4 hours). Tapos, para tuluyang gumaling asawa mo, gawin yung mga nakasulat na tips sa artikulo. Magpahinga kamo siya. Huwag agad babanat ng gawaing bahay. If hindi pa rin gumaling lagnat ng asawa mo after 3 days, ipa-doktor mo na.

      Delete
  16. Gud evening po. May lagnat po kc ang asawa ko ngaun. Bale kahapon oo hapon nag umpisa ininuman nya po ng bioflu at alaxan then nwala na pp kinabukasan. Pro po after namin mag visita iglesia ngaun nilalagnat na naman po sya. Masakit daw ulo at likod nya. May alam po ba kayo na dahilan kung bakit sya nakakaranas ng ganitong lagnat na pabalik balik?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marahil ay nabinat siya kaya pabalik-balik ang lagnat nung nag-Visita Iglesia kayo. Sa init ng panahon, malamang na-dehydrate ang iyong asawa. Ayon sa artikulo, ang dehydration ay sanhi din ng pagkakaroon ng lagnat. Dulot na rin ng init ng panahon, nakakasakit talaga ito ng ulo. Kung galing sa sakit, dapat talaga magpahinga muna ng 1-2 days.

      Delete

Must Read

loading...