Sunday, January 31, 2016

Dr. Wong's Sulfur Soap Para sa Pangangati ng Balat

Sa tuwing mag-gegeneral cleaning ako sa bahay, nangangati ang balat ko dahil sa mga nagliliparang alikabok at balahibo ng aking mga alagang hayop.

Mabilis pumula at mamantal ang aking balat na para bang kinagat ng lamok. Sa sobrang kati, hindi ko maiwasang kamutin kaya naman kung minsan nagkakapeklat pa ako.

Kaya bumili ako ng Dr. Wong's Sulfur Soap. Ang sabon na ito ay mabisang germicide, fungicide at parasiticide.

dr. wong's sulfur soap


Sa kaso ko naman, guminhawa ang pakiramdam ko nang simulan ko itong gamitin. Naliligo ako gamit ang Dr. Wong's Sulfur Soap bago matulog sa gabi. Ginamit ko ito sa loob ng isang buwan at nabawasan ang pangangati ng aking balat at lumabo din ang aking mga peklat sa hita at binti.

Masasabi kong mas epektibo ang Dr. Wong's Sulfur Soap kaysa sa Dr. Kaufmann Medicated Sulfur Soap. Sinubukan ko din kasi gamitin ang Dr. Kaufmann sa loob ng isang buwan kaso nangangati pa rin ang balat ko at hindi nawawala ang mga peklat ko. Kaya ko sinubukang gamitin ang Dr. Kaufmann kasi sulfur soap din naman siya at mas mura pa sa Dr. Wong's. Pero hindi epektibo sa akin.

Kaya kung mabilis din mangati at magpeklat ang balat ninyo, mas mainam na gamitin ang Dr. Wong's Sulfur Soap.
Previous Post
Next Post

About Author

4 comments:

  1. paano te ggmitin b sya maligo pang sabon sa affected area n makati?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Basta walang open wound. Ligo lang na parang normal na sabon.

      Delete
  2. Ma'am/ser . pag tapos Ko po bang mag hilamos ng sulfur soap , pwede ako mag lagay ng katialis? Halos two Mons na po ksing akong namomoblema sa kung anong meron na sa muka Ko po. Kung madalas sobrang Kati nya, ang natatandaan Ko lng po nung nagamit ako ng kojic sobrang nag Banat po ung muka Ko then na irritate tas dun na po sya lumala.Sana po matulungan nyo Ko. Salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. 2 months na. Tagal na. Consult ka na sa dermatologist. Madami nagkakaproblema sa balat pag nagamit ng whitening soap, di hiyang yung balat. Yung Katialis ba na tinutukoy mo, yung soap? Parehas lang kasing sulfur soap ang Dr. Wong's at Katialis.

      Delete

Must Read

loading...