Friday, April 22, 2016

Pwede bang Putulan ng Kuko ang Bagong Silang na Sanggol?


Ang mga kuko ng bagong silang na sanggol ay mabilis humaba. Minsan pa nga, pagkapanganak pa lang nito ay may mahaba na silang mga kuko.

Ang tanong ng mga magulang ngayon ay kung pwede ba silang putulan ng kuko? Marahil sa pangambang pwedeng masaktan ang sanggol sa pagpuputol ng kuko ay kaya nila ito naitatanong.

Oo, maaari at kailangang putulin ang mahabang kuko ng bagong silang na sanggol.

Bakit kailangang putulin ang mahabang kuko ng sanggol?


Ang sanggol ay malikot, lalo na ang mga kamay nito. Maaaring makalmot niya ang kanyang sarili at mukha kung siya ay may mahahabang kuko.

Ano ang ligtas na paraan para putulan ng kuko ang sanggol?


Ang kuko ng sanggol ay mas malambot kumpara sa kuko ng mga matatanda. Pwede kang gumamit lang ng nail file o emery board para bawasan ang mahabang kuko.


Pwede rin gumamit ng nail cutter na para talaga sa mga sanggol. Iwasan ang paggamit ng nail cutter ng mga matatanda para putulan ang kuko ng bata. Baka mas mahagip pa ang balat nito.


Sources:

Baby Centre UK
LiveStrong

Image Sources: 1 / 2
Previous Post
Next Post

About Author

2 comments:

  1. Mga ilang buwan pwde putulan ng kuko ang sanggol?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit pagkasilang pa lang, puwede na putulan ng kuko. Madalas kasi, ang mga bagong silang na sanggol ay mayroon ng mahahabang kuko. Inaadvise na putulin ang mga kuko kasi hindi kontrolado ng mga baby ang pag-galaw ng mga kamay nila, kaya naman, nakakalmot ang mukha. Doble ingat na lang sa pagpuputol ng kuko. Mangyaring basahin na lamang ang artikulo kung paano.

      Sources:

      http://www.askdrsears.com/topics/parenting/child-rearing-and-development/bringing-baby-home/cutting-babys-fingernails

      http://www.livestrong.com/article/497475-when-can-you-clip-a-newborns-nails/

      Delete

Must Read

loading...