Skip to main content

Home Remedies Para sa Sakit ng Ulo

gamot sa sakit ng ulo


Gamot sa sakit ng ulo


Maraming sanhi ang pananakit ng ulo. Depende sa sanhi, iba't ibang paraan ang paggamot dito. Pero para sa mga taong madalas nakakaranas ng "normal" na pananakit ng ulo, maaaring gawin ang mga sumusunod na home remedies:


Hilutin ang ulo gamit ang Vicks VapoRub. 

Kadalasan, ang Vicks VapoRub ointment ay ginagamit para guminhawa ang pakiramdam ng taong inuubo. Pero pwede rin ang Vicks na gamot sa sakit ng ulo. Pahiran lamang ng Vicks ang mga sentido at noo at simulan ang pagmamasahe sa mga ito.

Hilutin ang ulo gamit ang Efficascent Oil. 


Ang Efficascent Oil ay hindi lamang para sa mga masakit na kasu-kasuan. Pwede rin itong gamitin para sa sakit ng ulo sapagkat ito ay mayroong methyl salicylate camphor + menthol na nakakapagpaginhawa ng pakiramdam.

Matulog. 


Minsan, ang pananakit ng ulo ay sanhi ng matinding pagod sa trabaho o anumang stress na nararamdaman. Kaya para mawala ito, magpahinga o matulog. Kung hindi agad makatulog, basta na lamang ipikit ang iyong mga mata, at makakatulog ka rin. Huwag manood ng TV o mag-cellphone. Hanggat maari, matulog nang walang anumang source ng ilaw.

Uminom ng pineapple juice. 


Ang pineapple ay may enzyme na tinatawag na bromelain. At ito ay may kakayahang magpawala ng sakit ng ulo dahil sa taglay nitong pain relief properties. Eto yung paborito kong home remedy, ang uminom ng pineapple juice sa tuwing nananakit ang ulo ko sa daming ginagawa at iniisip sa trabaho.

Maligo ng maligamgam na tubig. 


Ang paliligo gamit ang maligamgam na tubig ay nakakatulong para ma-relax ang mga muscles ng katawan. Pagkatapos maligo, tuyuing mabuti ang buhok. Dahil kung hindi at humiga ka ng basa pa ang buhok mo, lalong sasakit ang iyong ulo.

Paglalagay ng maligamgam na basang tuwalya sa noo. 


Kung ayaw mo namang maligo, maaaring lagyan na lamang ng maligamgam na basang tuwalya ang iyong noo, sentido, parteng mata at batok. Ang mainit na temperatura ay nakakatulong para mas maayos na dumaloy ang dugo sa mga ugat ng ulo.

Paglalagay ng malamig na basang tuwalya sa noo. 


Sa iba naman, mas nagiginhawaan sila kung malamig na tuwalya ang nakalagay. May pampamanhid kasing epekto ang malamig na nakakatanggal din ng pananakit ng ulo.

Uminom ng salabat. 


Ang salabat ay tsaa na gawa sa luya. Magpakulo lamang ng luya sa mainit na tubig at inumin ito. Ayon sa Kalusugan.ph, ang init na nanggagaling sa salabat ay nakakatulong para mawala ang mga implamasyon sa katawan at ulo na maaaring nagdudulot ng pananakit.

Kung sobra na ang sakit na nararamdaman, magpakonsulta na sa doktor kung hindi na makaya ng home remedies.


Comments

  1. Almost 1week na po masakit ang ulo ko..ibat ibang gamot npo ang nainom ko,biogesic,bioflu,tuseran,alaxan fr,sinutab pro hnd pdin po nwawala anu po ang dapt kong gawin salamat po.

    ReplyDelete
  2. Hi. Napakaraming brand na ng gamot ang iyong nainom at hindi pa rin nawawala ang sakit ng iyong ulo. Isipin mo, tinutulungan mo ba ang sarili mo na gumaling ang pananakit ng iyong ulo? Ano ang sanhi ng pananakit ng nito? Related ba sa trabaho? Stress ba? Depende sa sanhi, ang gamot, sabayan mo ng kaukulang home remedies o kaya pagpapahinga. Kung wala pa ring pagbabago, pacheckup na sa doktor.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Gamot sa Lagnat: Mga Simpleng Lunas Para Bumaba ang Iyong Lagnat

Image Source: 123dentist.com Napakahirap talagang magkaroon ng lagnat. Bukod sa mainit ang iyong pakiramdam, madalas pa itong sinasabayan ng pananakit ng ulo at panghihina. Kaya naman, wala kang magawa sa buong araw kundi ang mahiga. Tapos kung working ka, makaka-absent ka pa sa trabaho mo ng mga ilang araw. Absent equals walang kita. At kung estudyante ka naman, mamimiss mo ang lectures ng iyong prof. Tapos pagpasok mo, quiz agad. Wala kang alam, so bagsak. Simple mang sakit ang lagnat, isa itong napakalaking abala. Paano nga ba gamutin ang lagnat? Para mabilis kang gumaling, alamin muna natin ang lahat-lahat tungkol sa lagnat. Kailan Masasabing Ikaw ay May Lagnat? Kung ikaw ay magreresearch sa mga libro o internet, iba't ibang temperature range ng lagnat ang iyong makikita. Pero simplehan na lang natin. Masasabing ikaw ay may lagnat kapag lumagpas sa 37 ° C ang iyong temperatura. Pero ito pa rin ay depende kung saan ka kinuhanan ng temperature. Marami kasing

Home Remedy Para sa Masakit na Ngipin Kung Hindi Makabili ng Gamot

Karamihan sa ating mga Pinoy ay walang pambili ng gamot, o sadyang nanghihinayang lang na gumastos. Kaya kahit sumasakit nang todo ang ngipin, hahayaan na lang at titiisin hanggang sa mawala ang sakit. Kung hindi talaga makakabili ng gamot para sa masakit na ngipin, pwede mo pa ring lapatan ito ng lunas sapagkat mayroong mga gamot para dito na matatagpuan lamang sa iyong kusina. Nais ko lamang ibahagi ang lunas sa sakit ng ngipin na aking ginawa. Magpakulo ng tubig. Isalin ang pinakuluang tubig sa isang baso o tasa. Haluan ng isang kutsaritang asin. Lagyan ng tinadtad na bawang (mga 2-3 cloves) Haluin ang mga ito at hayaang medyo mawala ang sobrang init bago imumog. Ginamit ko ang lunas na ito nang sumakit ang ngipin at namaga ang gilagid at pisngi ng aking asawa. Hindi na kasi tumalab ang iniinom niyang pain reliever kaya naghanap ako ng alternatibong solusyon. Ayon sa aking pananaliksik sa posibleng home remedies para sa masakit na ngipin, ang asin ay mainam na pampaw

Mga Posibleng Sakit ng Tiyan

Sa tuwing sumasakit ang ating tiyan, madalas nating iniisip kung anu-ano bang organs ang nasa ganito o ganoong parte, sapagkat alam natin na kapag ganito ang parteng sumakit sa ating tiyan, may kaakibat itong partikular na sakit. Tandaan, hindi lamang appendicitis , diarrhea , at ulcer ang mga sanhi ng pagsakit ng ating tiyan. Huwag kang dadaing ng appendicitis kung ang nararamdaman mong sakit ay nasa kaliwa, s apagkat ang iyong appendix ay nasa parteng kanan.  Upang lumawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa madadalas na sakit na nakaka-engkwentro ng ating tiyan, heto ang isang larawan tungkol sa 9 regions of abdomen: Regions of Abdominal Area Upper right - right hypochondriac region Middle right - right lumbar region Lower right - right iliac region Upper middle - epigastric region Middle - umbilical region Lower middle - hypogastric region Upper left - left hypochondriac region Middle left - left lumbar region Lower left - left iliac region I-click ito para m