Monday, October 10, 2016

Ano ang Gamot sa Tonsil?

gamot sa tonsil

Ano ang tonsil o tonsillitis?


Una sa lahat, ang tamang tawag kapag namamaga ang iyong lalamunan ay "tonsillitis" hindi "tonsil." Lahat ng tao ay may tonsils, ito yung organ o parte ng lalamunan na namamaga.

Pero sige, dahil Pinoy tayo, mahilig tayo sa shortcut, kaya ang sakit na tonsillitis ay mas kilala sa'tin na tonsil.



Bakit nagkaka-tonsillitis?


Nagkaka-tonsillitis ang isang tao kapag may virus o bacteria sa kanyang tonsils. Ang tonsils kasi yung tumutulong sa katawan natin para labanan yung mga virus at bacteria na pumapasok sa ating katawan sa pamamagitan ng ating bibig o bunganga.

Pero syempre minsan hindi na nakakayanan ng ating tonsils kaya nagkakaroon ng tonsillitis. Namamaga yung tonsils natin para ma-activate yung leukocytes sa katawan para hindi tuluyang mapasok ng virus o bacteria ang ating katawan.

Madaming iba't ibang uri ng virus ang pwedeng mag-cause ng tonsillitis:

  • rhinovirus
  • influenza virus
  • parainfluenza virus
  • enteroviruses
  • adeno virus
  • rubeola virus

Kapag bacteria naman ang sanhi ng tonsillitis, kadalasan ang may kasalanan neto ay ang streptococcus bacteria.


Pero paano naiipunan ng virus o bacteria yung ating tonsils? Eto ay kapag:


  • Mahilig ka masyadong kumain ng matatamis. Favorite ng mga bacteria tumira sa mga matatamis.
  • Hindi ka nagsisipilyo bago matulog. Kumain ka, tapos may natirang latak ng pagkain sa iyong bibig. Pagpyepyestahan yan ng mga bacteria. Sabi ng nanay ko, mas active daw ang bacteria sa gabi.
  • Madalas na pag-inom ng malalamig.
  • Nakadampot ka ng mga bagay na kontaminado ng virus. Halimbawa, yung isang taong may tonsillitis, bumahing, yung tumalsik na maliit na laway napadikit sa gamit mo, tapos nahawakan mo, inilapit mo sa ilong o bibig mo.

Eto yung mga common na aktibidades kaya ka nagkaka-tonsillitis. Magdadagdag pa ako kung may ma-research pa ako.


Sintomas ng tonsillitis


Ito ang mga usual na sintomas ng tonsillitis:

  • makating lalamunan
  • mapula-pulang tonsils
  • pwede ring mapula-pula, tapos may puti-puti yung tonsils
  • masakit na lalamunan lalo na pag lumulunok
  • lagnat
  • mabahong hininga 
  • mapaklang panlasa
  • hirap sa pagsasalita, paos, o malat
  • ubo at sipon
  • masakit na ulo
  • masakit na ulo, parteng kilay o gilid ng ilong



Gamot sa tonsil o gamot sa tonsillitis

Ang tonsillitis ay madaling bigyang lunas lalo na kung ito'y maaagapan. Narito ang gamot sa tonsillitis na maaaring gawin lamang sa bahay:

  • Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Maghalo ng 1 kutsaritang asin sa 1 basong maligamgam na tubig. Nakakatulong ito para maibsan ang pamamaga ng tonsils.
  • Humigop ng mainit na sabaw. Nakakatulong para mas guminhawa ang pakiramdam. Nakakatulong para makapagpaluwag ng baradong ilong dulot ng ubo at sipon. Nakakatulong din para pagpawisan kung nilalagnat.
  • Mag-strepsils. Basahin ang article na ito para malaman ang tamang pag-gamit ng Strepsils: Strepsils, gamot para sa masakit na lalamunan o sore throat
  • Uminom ng pain reliever.  Para mawala ang mga sakit na nararamdaman. Pwedeng uminom ng Ibuprofen o Acetaminophen.
  • Kumain lamang ng mga pagkaing madaling lunukin. Para mas madali kumain at hindi na makadagdag pa sa sakit ng lalamunan na nararamdaman. Pwedeng kumain ng tinapay, prutas, gulay, at iba pa. Basta hindi matamis at malambot yung pagkakaluto.
  • Kumain ng prutas na mayaman sa Vitamin C. Kapag nagka-tonsillitis, ibig sabihin, humina yung resistensya mo. Palakasin ang resistensya at kumain ng pinya, orange, ponkan, dalandan, suha, at iba pang maaasim na prutas. 
  • Uminom ng maraming tubig. Para mahugas yung virus o bacteria.

References:

Tonsillitis: Symptoms, Causes and Natural Remedies
Tonsillitis
Tonsillitis - Causes
Ano ang gamot sa tonsilitis?
Ano ang Pamamaga ng Lalamunan o Sore Throat?
Sore Throat and Other Throat Problems - Home Treatment


 



Previous Post
Next Post

About Author

0 comments:

Must Read

loading...