Thursday, June 1, 2017

First Aid sa Kagat ng Aso

first aid sa kagat ng aso

Noong bata pa ako, nakagat ako ng alaga naming aso. Kinukulit ko kasi. Kaya ayon, nakagat. Ang naaalala kong first aid na ginawa sakin noon ay pagtapal ng bawang doon sa maliit kong sugat. (Saka na natin pag-usapan kung epektibo ngang pang-first aid ang bawang sa kagat ng aso).

Pero kung ikaw ay nakagat ng aso, eto muna ang iyong dapat unahing gawin, bago ang lahat-lahat. Gawin ang sumusunod na first aid sa kagat ng aso:

1. Hugasan ang nakagat na parte ng katawan gamit ang sabon at tubig. Mas maigi yung mga sikat na brand ng anti-bacterial soap para iwas impeksyon gaya ng Safeguard. Kung wala, kahit anong gamit niyong sabon na pampaligo, basta mahugasan agad.

Pero ayon dito sa artikulo ng RiteMed, mainam din daw ang sabong panglaba kasi mas matapang daw itong pamatay ng bacteria. Hmm... Sabagay, may anti-bacterial properties din kasi ang mga sabong panlaba.

2. Sabunin nang maigi ang sugat sa umaagos na tubig sa loob ng 10 minutes. Pagkatapos ay banlawan nang ayos at patuyuin.

3. Gaya ng pag-aasikaso sa normal na sugat, pahiran ito ng povidon iodine (o Betadine).

4. Pagkatapos ay dalhin ang pasyente sa ospital para mas masuri nang maigi ng mga doktor.

5. Obserbahan ang asong nangagat within 10 days. Kung naglalaway at parang naging asong ulol, malaking posibilidad na may rabies ito.

Para sa iba pang dagdag na detalye, basahin ang mga artikulong ito:

1. First Aid Tips para sa Kagat ng Aso
2. Rabies sa Pilipinas

Sunday, April 9, 2017

Nakakagaling nga ba ang Breast Milk o Gatas ng Ina ng Sore Eyes?



Isang common practice sa'ting mga Pinoy na gamitin ang breast milk o gatas ng ina para "pagalingin" ang sore eyes.

Pero nakakagaling nga ba ang gatas ng ina ng sore eyes?

Kung mag-googoogle din kayo, marami kayong mababasa na nakakagaling daw ang breast milk ng sore eyes, kasi ang breast milk daw ay may anti-bacterial properties na nakakapagpagaling ng impeksyon.

Kung ating iisipin, tama nga naman. At maraming tao rin ang nagtetestimonya na nakakagaling nga ng sore eyes ang gatas ng ina. Gaya nito: (Mga ini-screenshot ko sa website na nagtatalakay about breast milk for sore eyes.)




O kahit kayo, may sarili kayong kwento na nakapagpagaling nga ang breast milk ng sore eyes.

Pero alam niyo ba na ang sore eyes ay gumagaling nang kusa kahit within 3-5 days lang basta nag-oobserve kayo ng proper hygiene, nililinis at tinatanggal ang muta, at hindi kinukusot ang mata?

Kaya maaaring na-condition lang ang mga isip natin na ang nakapagpagaling nga nito ay yung pinatak niyong breast milk. Pero yun pala, pagaling na talaga yung sore eyes.

Ayon din kay DOH Secretary Paulyn Ubial (Duterte Admin), hindi niya nirerekomenda ang paggamit ng breast milk sa sore eyes

Bukod sa walang sapat na studies para dito, may panganib na dulot ang pagpatak ng gatas ng ina lalung-lalo na sa mga mata ng sanggol.

Base sa nabasa ko, nakakasira ng cornea ng sanggol ang pagpatak ng breast milk sa mata. Base sa artikulo, ayon sa mga magulang ng sanggol, lalong lumala ang impeksyon ng anak nila nang sinunod nila ang common practice na ito. At ang malala, nabulag ang kanilang sanggol.

At parang naniniwala ako rito. Noon kase nung elementary pa lang ako, may kaklase akong bulag, under siya ng SPED (Special Education), mga batang may kapansanan. Inihahalo sila sa mga regular class paminsan-minsan para makihalubilo at maki-learn kasama ang regular class.

Tinanong ko kung bakit siya nabulag. Ako kasi yung katabi niya at parang guide niya. Ang sabi niya, di daw talaga siya pinanganak na bulag kwento ng magulang niya. Pero noong baby pa lang daw siya, nagka-sore eyes daw siya at pinatakan siya ng gatas ng ina. Pagkatapos nun, lumala at nabulag siya.

Conclusion

Dapat bang patakan ng gatas ng ina ang taong may sore eyes?

Ang sagot ko ay HINDI.

Bakit hindi? Mga rason:

- walang sapat na studies na nakakagaling nga

- kahit mga may testimonya na nakakagaling, maaaring ang sore eyes ay gumaling lang nang kusa, kasi gumagaling ito within 3-5 days kahit walang gawin basta malinis sa katawan

- hindi rekomendado ni kasalukuyang DOH Secretary Ubial ang breast milk para sa sore eyes

- may mga sitwasyon na ang pagpatak ng breast milk sa mata ng sanggol ay naging sanhi ng pagkabulag

Sunday, March 5, 2017

Halamang Gamot Para sa Highblood


Kung kayo po ay hina-highblood at walang pambili ng gamot, maaari niyo pong subukan ang mga sumusunod na halamang gamot.

Ito po ay aking na-research sa Kalusugan.ph, isa sa mga pinagkakatiwalaang Pinoy health websites. Aking sisimplehan na lamang sa post na ito.

Halamang gamot para sa highblood


1. Bawang


Kabilang ang bawang sa 10 halamang gamot na aprubado ng DOH. Kaya kung naghahanap kayo ng halamang gamot para sa altapresyon, bawang muna ang inyong subukan.

Paraan ng paggamit:

1. Maghiwa ng bawang at ilagay sa ilalim ng dila sa loob ng ilang minuto.
2. Pwede ring dikdikin at kunin ang katas.


2. Sariwang buko juice


Bukod sa UTI, pwede ring panggamot ang buko juice sa highblood.

Paraan ng paggamit:

1. Inumin na parang tubig. Huwag haluan ng asukal.

3. Salabat


Hindi lamang pampaganda ng boses ang salabat, ang maanghang at matapang na lasa nito ay nakakapagpababa rin ng altapresyon.

Paraan ng paggamit:

1. Maglaga ng luya.
2. Salain at inumin ang pinaglagaan.

4. Kintsay


Masarap na sahog ang kintsay sa mga pagkain, lalo na sa bihon. Pero ito ay nagtataglay ng kemikal kontra altapresyon.

Paraan ng paggamit:

1. Kainin nang hilaw.
2. Pwede ring gamiting pansahog sa vegetable salad.

5. Gumamela


Tama. Nakakain pala ang bulaklak ng gumamela, at mabisa itong pantanggal ng sodium o asin sa katawan na nagiging sanhi ng highblood.

Paraan ng paggamit:

1. Magpatuyo ng bulaklak ng gumamela.
2. Ilaga and pinatuyong bulaklak.
3. Salain at inumin ang pinaglagaan.

6. Buto ng sunflower


Hindi lang masarap na kutkutin ang buto ng sunflower, pero pwede rin itong gamot sa highblood.

Paraan ng paggamit:

1. I-roast ang buto ng sunflower.
2. Huwag lalagyan ng asin.
3. Balatan at kainin.

Wednesday, March 1, 2017

Mga Pagkaing Pampabata ng Itsura


Habang tumatanda ang isang tao, kumukulubot ang balat nito, sapagkat kumokonti na ang collagen na responsable para maging banat/batak at flexible ang balat. Kapag wala nito, magkukulubot ang balat na siya namang nagiging sanhi sa pagtanda ng itsura. Umuunti ang collagen sa katawan kapag masyadong nasisikatan ng araw at palaging naii-stress.

Para mapreserba ang collagen ng balat at magmukhang bata ulit, kumain/uminom ng mga sumusunod na pagkain:


  • Pipino
  • Virgin Coconut Oil
  • Rosas (oo, nakakain ang bulaklak nito)
  • Kangkong
  • Bellpepper
  • Broccoli
  • Salmon
  • Kamatis
  • Dark chocolate
  • Kamote
  • Itlog
  • Repolyo
  • Orange
  • Lemon
  • Bawang
  • Carrots
  • Avocado
  • Pinya
  • Kabute
  • Pakwan
  • Mansanas
  • Saging
  • Kape
  • Tahong
  • Talaba
  • Katang
  • Hipon
  • Keso
  • Red wine
  • Kasoy
  • Tubig


Kayo? Ano pa ang alam ninyong mga pagkain na pampabata ng itsura?

Friday, February 24, 2017

Natural na Paraan Para Pumuti ang Balat

pampaputi ng balat

Maraming whitening soaps ngayon sa market, pero yung mga effective talagang sabon na pampaputi eh nagkakahalaga ng 1000 plus pesos. Nakakawasak talaga ng budget.

Kaya nag-research ako ng mga natural na paraan para pumuti ang balat. Marami akong nakikita na gumamit daw ng oatmeal, yogurt, honey, almond milk, at iba pang mga sangkap na ang hihirap naman hanapin sa Pilipinas, o kaya naman ay mahal. Kaya ang isinama ko na lang dito ay yung mga madaling hanapin sa palengke.

Kung gusto mong pumuti ang iyong balat in a budget, try mo gawin ang mga home treatment na ito:

Pampaputi ng balat: Lemon o calamansi

pampaputi ng balat lemon calamansi

Parang ang sosyal naman, lemon. Kala ko ba yung madali lang hanapin?

Marami na pong lemon na itinitinda sa palengke, sa may mga prutasan. Kung namamahalan kayo sa lemon, pwede rin ang calamansi.

  1. Para gamitin itong pampaputi ng balat, gayatin lang ang lemon o calamansi.
  2. Ikuskos ito sa mga parte ng katawan na gusto mong pumuti. Pwede rin sa mukha. Pero huwag ipahid kung ikaw ay may mga tagihawat kasi mahahapdian ka.
  3. Hayaang tumagal ang katas ng lemon o calamansi ng mga ilang minuto (2-3 minutes).
  4. Pagkatapos ay hugasan ito gamit ang maligamgam na tubig.
  5. Gawin ito kapag ikaw ay naliligo sa umaga at gabi.

Pampaputi ng balat: Kamatis


pampaputi ng balat kamatis

Ang kamatis ay kilalang pampalinaw ng mata, pero kilala rin itong pampaputi ng balat.

  1. Para gamitin ang kamatis, gumawa ng "paste" mula rito. Parang gagawin mo siyang facial mask o pantapal sa balat.
  2. Kung ikaw ay may blender, i-blender ang kamatis. Kung wala naman, gayatin at tadtarin ito nang pino.
  3. Ipahid ang tomato paste sa balat. Hayaan ito sa balat within 20 minutes.
  4. Hugasan ng maligamgam na tubig.
  5. Gawin ito isang beses sa loob ng isang araw.

Para mas epektibo ang kamatis, uminom din ng homemade tomato juice tuwing umaga.

Pampaputi ng balat: Papaya

pampaputi ng balat papaya

Gaya ng pag-inom ng tomato juice, ang pagkain ng papaya araw-araw ay nakakaputi na. Pero pwede ka ring gumawa ng paste o facial mask mula sa papaya.

  1. Magdurog ng hinog na papaya.
  2. Haluan ito ng lemon juice (o calamansi juice).
  3. Ipahid sa mukha at balat.
  4. Hugasan after 20 minutes.
  5. Gawin ito isang beses sa loob ng isang araw.

Ano pang natural na paraan ang alam niyong pampaputi ng balat?

Wednesday, February 22, 2017

Halamang Gamot Serpentina: Mga Sakit na Kaya Nitong Pagalingin

halamang gamot serpentina

Ang Serpentina, o Indian Snakeroot, ay isang uri ng halamang gamot na laganap sa Asia, lalung-lalo na sa India, Indonesia, China at syempre, Pilipinas.

Tinagurian itong King of Bitters, dahil sa sobrang kapaitan nito, tinalo pa ang ampalaya. Gaano ito kapait? Ang maliit na pirasong dahon nito na pinakuluan ay mas mapait pa raw ng 10 beses sa ampalaya juice na galing sa malaking bunga.

Kaya dahil sa taglay na kapaitan ng halamang gamot na serpentina, kayang-kaya nitong magpagaling ng sakit na diabetes. Pero hindi lamang diabetes ang kaya nitong pagalingin, marami pang ibang klase ng sakit o kondisyon gaya ng:


  • high blood
  • insomnia
  • hysteria
  • katarata
  • lagnat
  • schizophrenia
  • pampamanhid o pampakalma
  • nerbyos o sobrang pag-aalala
  • psychosis
  • epilepsy
  • cholera
  • hirap na panganganak
  • kagat ng makamandag na hayop
  • dysmenorrhea
  • pagtatae
  • mga sakit sa utak o pagkabaliw
  • psoriasis o iba pang sakit sa balat
  • sakit sa puso
  • goiter
  • rayuma
  • pananakit ng tiyan
  • pagtitibi


At marami pang iba.

Tuesday, February 21, 2017

Bawal ba Talagang Maligo ang May Regla?


Siguro, may nanay kayo na sinabihan din kayo na huwag maliligo kapag may regla o mens dahil kayo ay maloloka. Usong-usong advice ito mula sa ating mga nanay hanggang early 2000s. Kahit nga nanay ko, sinabihan din akong huwag maligo noong una akong nagkaroon ng regla. Ang pwede lang ay maghinaw. Pero ito ay nagbago nang naging mas informed ang mga tao.

Bawal ba talagang maligo ang may regla? Ang sagot ay hindi bawal.

Isipin na lang natin kung ano ang nararamdaman natin kapag tayo ay nireregla:

- mas lalong nanlalagkit ang katawan
- mas lalong pinagpapawisan
- mas iritable
- mas madaling magkaroon ng amoy
- mas nagiging malangis ang buhok at mukha
- mas tinutubuan ng tagihawat
- mas madaling mapagod
- mas maraming nararamdamang pangangati sa balat

At marami pang iba. Ang simpleng hinaw ay di sapat para alisin ang lahat ng mga ito.

Ang pagkakaroon ng regla ay nagbibigay ng unpleasant na pakiramdam at napaka-stressful. At kung hindi ka pa maliligo, lalo pa itong lalala. Bukod sa mga nabanggit sa taas, kapag ikaw ay hindi naligo, mas prone ka sa infection.

Pero kung ikaw ay maliligo, makakatulong ang paliligo ng maligamgam na tubig para mabawasan ang iyong panlalagkit, pagkairita at pagkapagod.

Thursday, February 16, 2017

Paano Tanggalin ang Langgam na Nakapasok sa Tenga

langgam sa tenga

Kapag may pumasok na insekto sa tenga, lalo na pag langgam, ito ay napakasakit. Tinanong ko ang ilan sa mga nakakatanda kung paano tanggalin ang langgam sa loob ng tenga. Narito ang ilang mga sagot nila:

1. Patakan ng langis o kaya ay baby oil. 


Pwede mong patakan nang kaunting langis, o kaya naman ay gumamit ka ng cotton buds. Ang langis kasi, nakakapigil sa paggalaw ng langgam na siyang nagiging sanhi ng pagsakit ng loob ng tenga.

2. Bugahan ang tenga ng usok ng sigarilyo.


Gamit ang straw ng softdrinks, bugahan ang tenga ng usok ng sigarilyo. Ang usok kasi ay nagsisilbing pesticide sa mga langgam.

3. Patakan ng tubig, suka, o agua oxigenada.


Sabi nila, para malunod yung langgam at di makapasok ang hangin.

4. Maglagay ng butil ng asukal, o pahiran ng laway malapit sa butas ng tenga.


Matamis daw kasi ang asukal at laway. Pang-akit sa langgam para lumabas.

5. I-flashlight ang tenga.


Para daw sundan ng langgam yung liwanag at nang lumabas.


Sa mga natanong ko, ang pinaka-maraming sagot para tanggalin ang langgam sa tenga ay ang pagpapatak ng langis at pagbubuga ng usok ng sigarilyo.

Tuesday, January 31, 2017

Ang Prutas at Dahon Nito ay Mabisang Pantanggal ng Mabahong Hininga

gamot sa mabahong hininga

Lahat tayo ay nagkakaroon ng mabahong hininga lalung-lalo na kapag bagong gising sa umaga, o kaya naman ay nakakain ng malalansang pagkain gaya ng bagoong, o kaya naman ay bawang. Pero natural lamang ito. Mawawala ang mabahong hininga kapag nagmumog at nagsipilyo.

Pero ibang usapan na kapag palagiang mabaho ang iyong hininga. Yung tipong kada buka ng bibig mo, umaalingasaw ang mabahong amoy kahit na tapos ka nang magsipilyo.

Ang mga madalas na sanhi ng pagkakaroon ng palagiang mabahong hininga ay ang bulok na ngipin, o kaya naman ay may problema ka sa bituka.

Para malinis ang iyong ngipin at loob ng tiyan, ang prutas na bayabas at ang dahon ng bayabas ay mabisang pantanggal ng mabahong hininga sapagkat may mga kemikal itong nakakatulong para gamutin ang mabahong hininga gaya ng malic, oxalic, phosperic at tannic acids; pati na rin calcium at manganese.

Para gamitin ang prutas ng bayabas sa paggamot ng mabahong hininga


1. Pumitas ng di kahinugang bayabas. Hugasan.
2. Kumain ng isang bayabas tuwing pagkatapos kumain para matanggal ang mga nagsingit na tinga sa ngipin.

Ang pagkain din ng bayabas ay nakakatulong para malinis ang loob ng tiyan. Bukod dito, mabisa rin ang bayabas para sa mga taong may gastroenteritis.

Para gamitin ang dahon ng bayabas sa paggamot ng mabahong hininga


Method 1 - Pagnguya ng dahon ng bayabas


1. Pumitas ng ilang sariwang dahon ng bayabas. Hugasan.
2. Ngatain o nguyain ang dahon hanggang sa madurog para kumatas.
3. Lunukin ang katas ng dahon ng bayabas.
4. Gawin ito 2x isang araw - umaga at bago matulog.


Method 2 - Paglaga ng dahon ng bayabas


1. Pumitas ng 1 tasang sariwang dahon ng bayabas. Hugasan.
2. Pakuluan ito sa 2 tasang tubig.
3. Salain.
4. Inumin ang pinaglagaan 2x isang araw.


Method 3 - Pagsunog ng dahon ng bayabas


1. Pumitas ng ilang sariwang dahon ng bayabas. Hugasan.
2. Sunugin ang mga dahon hanggang sa maging abo.
3. Gamiting parang toothpaste ang abo ng mga dahon.
4. Sipilyuhin ang ngipin gamit ang abo ng dahon ng bayabas 1-2x isang araw.

Wednesday, January 25, 2017

Pansit-Pansitan: Herbal na Gamot sa Arthritis

pansit pansitan herbal na gamot sa arthritis

Kung ikaw ay naghahanap ng herbal na gamot sa arthritis, ang pinaka-mainam na halamang gamot para rito ay pansit-pansitan o ulasimang bato.

Ang pansit-pansitan ay halamang herbal na madalas tumubo sa mga malililim at mabasa-basang paligid gaya ng mga ilalim ng puno, gilid-gilid ng bahay, mga paso ng halaman, dingding, kanal, at iba pa. Nagkalat ang halamang gamot na ito sapagkat madali lang itong tumubo parang mga damong ligaw.

Ang itsura ng pansit-pansitan ay ganito:


May mga berdeng dahon na hugis puso, may malambot at matubig na stems, at may mga maliliit na buto na parang nakadikit sa hugis pansit na sanga sa tuktok ng halaman.

Bagamat para lamang damong ligaw ang pansit-pansitan, isa ito sa mga aprubadong 10 halamang gamot ng DOH, at ang madalas na gamit talaga nito ay para gamutin ang sakit na rayuma o arthritis.

Para  i-prepara at kainin ang pansit-pansitan, pwedeng gawin ang mga sumusunod:

Pansit-pansitan tsaa

1. Pumitas ng mga dahon (pwede ring may stems) ng pansit-pansitan.
2. Hugasan ang mga ito.
3. Gayatin ang dahon at stems sa maliliit na piraso.
4. Kada 1 tasa ng tinadtad na pansit-pansitan, haluan ito ng 4 na tasa ng tubig.
5. Pakuluan sa loob ng 10-15 minutes.
6. Salain.
7. Inumin ang tsaa 3x a day.

Source: Medical Health Guide

Pansit-pansitan salad

1. Pumitas ng mga dahon at stem ng pansit-pansitan. Hugasan.
2. Pwede na itong kaining nang sariwa. Walang halo na kung anu-ano.
3. O kaya naman, para may mas masarap na lasa, pwedeng lagyan ang pansit-pansitan salad ng asin, paminta, at mayonnaise.

*Ang lasa raw ng pansit-pansitan ay parang hilaw na pechay at repolyo, lalo na yung stems nito. Pero yung dahon, mas masarap daw. Sources: Food Recap and The Fairy Tribe

Sunday, January 15, 2017

Nakakahawa Ba ang Balakubak? Ating Alamin



May nagtanong sa akin kung nakakahawa ba raw ang balakubak o dandruff. Dati raw kasi, hindi siya binabalakubak. Pero noong nagka-asawa siya, tsaka raw siya nagkaroon ng balakubak. Suspetsa niya ay nahawaan siya ng kanyang asawa dahil may balakubak daw ito. At dahil natutulog sila sa iisang kama, inakala niya na nahawaan siya ng fungi ng balakubak na nanlagi sa mga unan.

Balakubak at fungi


Oo nga naman. Kung ating iisipin, parang pwede ngang makahawa ang taong may balakubak kasi ang isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng balakubak ay isang uri ng fungus na tinatawag na malassezia.

At kadalasan, ang mga sakit na balat na ang sanhi ay fungi gaya ng buni, an-an, alipunga o hadhad ay nakakahawa lalo na kapag ginamit mo ang mga personal na bagay ng mga taong apektado nito.

Nakakahawa ba ang balakubak?


Good news mga readers ng Pinoy Health Tips. Ayon sa Kalusugan.ph, hindi nakakahawa ang balakubak. Bagamat ang isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng balakubak ay fungi, hindi ito nakakahawa.

Kung ikaw ay hindi binabalakubak dati pero nagkaroon ngayon, marahil isa rito ang mga sanhi:

  • naging mas oily ang iyong balat, lalo na sa anit
  • madalas na paggamit ng matatapang na produkto sa buhok gaya ng shampoo, conditioner, gel, hair spray
  • masyado ka nang stress
  • hindi ka na masyadong makapagbanlaw ng buhok nang ayos, o poor hygiene


Ang masasabi ko lang dun sa nagtanong sakin kung bakit siya nagka-balakubak magmula nang siya ay mag-asawa, marahil ang pagkakaroon ng buhay mag-asawa ay nagdulot ng stress sa kanya kaya siya binalakubak.

Saturday, January 7, 2017

Luyang Dilaw Para sa Hika: Nakakagaling Nga Ba Ito?

luyang dilaw para sa hika

Ayon sa American Academy of Allergy Asthma and Immunology, mayroong mahigit-kumulang na 300 milyong katao ang may hika o asthma sa buong mundo. Ang masama pa nito, mayroong 250,000 katao ang namamatay taun-taon dahil sa sakit na ito.

Maraming mga Pinoy na may hika ang walang kakayanang bumili ng mga asthma inhaler o nebulizer dahil ang mga ito ay nagkakahalaga ng 400-2000 pesos pataas.

Bagamat pwedeng pumunta sa mga barangay health center para makahiram ng aparato, mas maigi pa rin na mayroon kang sarili mong gamit na pwede mong mahigit kahit anong oras lalo na kapag emergency.

Kung wala talagang maipambili ng gamot para sa hika, maaaring mag-try muna ng mas murang alternatibo gaya ng mga halamang gamot. Ang ilan sa mga halamang gamot na kilalang nakakapagpagaling ng hika ay ang luyang dilaw.


Luyang dilaw para sa hika


Ang luyang dilaw (turmeric in English) ay luya na ang laman ay kulay orange. Madalas itong ginagamit na pampalasa at pampakulay sa mga niluluto gaya ng tinola, sweet and sour fish, adobo sa dilaw, at marami pang iba. Masarap din naman, pero para sakin, mas masarap pa rin yung pangkaraniwang luya o ginger.

luyang dilaw
Image Source

Bukod sa ginagawa itong pampalasa at pampakulay, ang luyang dilaw ay epektibo ring gamot para sa hika. Ang luyang dilaw ay may kakayanang:

- paluwagin ang blood vessels para makapasok nang mas maigi ang dugong may oxygen
- i-relax ang mga namamagang muscles sa paligid ng respiratory system o daluyan ng hangin
- ibalik ang normal na paghinga

...dahil sa taglay nitong anti-inflammatory compounds, o anti-pamamaga.


Paano inumin ang luyang dilaw para sa hika


Iba't iba ang pagpreprepare ng luyang dilaw para sa hika. Pero ang pinakamadaling gawin ay ang turmeric tea.

Ingredients:

1 kutsarita - tinadtad o niyadyad na luyang dilaw
4 tasa - tubig
1 piraso calamansi o 1 kutsarita honey (optional)

How to prepare:

1. Pakuluan ang 4 na tasang tubig.
2. Pagkakulo, ilagay ang niyadyad na luyang dilaw.
3. Pahinaan ang apoy, at hayaang kumulo pa ng 8-10 minuto.
4. Salain ang tsaa para maalis yung buo-buong luyang dilaw.
5. Magsalin sa isang tasa.
6. Pigaan ng calamansi, o haluan ng honey kung ayaw mo nung lasa ng purong luyang dilaw.

Uminom ng turmeric tea 3-5x per day.


Must Read

loading...