Tuesday, January 31, 2017

Ang Prutas at Dahon Nito ay Mabisang Pantanggal ng Mabahong Hininga

gamot sa mabahong hininga

Lahat tayo ay nagkakaroon ng mabahong hininga lalung-lalo na kapag bagong gising sa umaga, o kaya naman ay nakakain ng malalansang pagkain gaya ng bagoong, o kaya naman ay bawang. Pero natural lamang ito. Mawawala ang mabahong hininga kapag nagmumog at nagsipilyo.

Pero ibang usapan na kapag palagiang mabaho ang iyong hininga. Yung tipong kada buka ng bibig mo, umaalingasaw ang mabahong amoy kahit na tapos ka nang magsipilyo.

Ang mga madalas na sanhi ng pagkakaroon ng palagiang mabahong hininga ay ang bulok na ngipin, o kaya naman ay may problema ka sa bituka.

Para malinis ang iyong ngipin at loob ng tiyan, ang prutas na bayabas at ang dahon ng bayabas ay mabisang pantanggal ng mabahong hininga sapagkat may mga kemikal itong nakakatulong para gamutin ang mabahong hininga gaya ng malic, oxalic, phosperic at tannic acids; pati na rin calcium at manganese.

Para gamitin ang prutas ng bayabas sa paggamot ng mabahong hininga


1. Pumitas ng di kahinugang bayabas. Hugasan.
2. Kumain ng isang bayabas tuwing pagkatapos kumain para matanggal ang mga nagsingit na tinga sa ngipin.

Ang pagkain din ng bayabas ay nakakatulong para malinis ang loob ng tiyan. Bukod dito, mabisa rin ang bayabas para sa mga taong may gastroenteritis.

Para gamitin ang dahon ng bayabas sa paggamot ng mabahong hininga


Method 1 - Pagnguya ng dahon ng bayabas


1. Pumitas ng ilang sariwang dahon ng bayabas. Hugasan.
2. Ngatain o nguyain ang dahon hanggang sa madurog para kumatas.
3. Lunukin ang katas ng dahon ng bayabas.
4. Gawin ito 2x isang araw - umaga at bago matulog.


Method 2 - Paglaga ng dahon ng bayabas


1. Pumitas ng 1 tasang sariwang dahon ng bayabas. Hugasan.
2. Pakuluan ito sa 2 tasang tubig.
3. Salain.
4. Inumin ang pinaglagaan 2x isang araw.


Method 3 - Pagsunog ng dahon ng bayabas


1. Pumitas ng ilang sariwang dahon ng bayabas. Hugasan.
2. Sunugin ang mga dahon hanggang sa maging abo.
3. Gamiting parang toothpaste ang abo ng mga dahon.
4. Sipilyuhin ang ngipin gamit ang abo ng dahon ng bayabas 1-2x isang araw.

Wednesday, January 25, 2017

Pansit-Pansitan: Herbal na Gamot sa Arthritis

pansit pansitan herbal na gamot sa arthritis

Kung ikaw ay naghahanap ng herbal na gamot sa arthritis, ang pinaka-mainam na halamang gamot para rito ay pansit-pansitan o ulasimang bato.

Ang pansit-pansitan ay halamang herbal na madalas tumubo sa mga malililim at mabasa-basang paligid gaya ng mga ilalim ng puno, gilid-gilid ng bahay, mga paso ng halaman, dingding, kanal, at iba pa. Nagkalat ang halamang gamot na ito sapagkat madali lang itong tumubo parang mga damong ligaw.

Ang itsura ng pansit-pansitan ay ganito:


May mga berdeng dahon na hugis puso, may malambot at matubig na stems, at may mga maliliit na buto na parang nakadikit sa hugis pansit na sanga sa tuktok ng halaman.

Bagamat para lamang damong ligaw ang pansit-pansitan, isa ito sa mga aprubadong 10 halamang gamot ng DOH, at ang madalas na gamit talaga nito ay para gamutin ang sakit na rayuma o arthritis.

Para  i-prepara at kainin ang pansit-pansitan, pwedeng gawin ang mga sumusunod:

Pansit-pansitan tsaa

1. Pumitas ng mga dahon (pwede ring may stems) ng pansit-pansitan.
2. Hugasan ang mga ito.
3. Gayatin ang dahon at stems sa maliliit na piraso.
4. Kada 1 tasa ng tinadtad na pansit-pansitan, haluan ito ng 4 na tasa ng tubig.
5. Pakuluan sa loob ng 10-15 minutes.
6. Salain.
7. Inumin ang tsaa 3x a day.

Source: Medical Health Guide

Pansit-pansitan salad

1. Pumitas ng mga dahon at stem ng pansit-pansitan. Hugasan.
2. Pwede na itong kaining nang sariwa. Walang halo na kung anu-ano.
3. O kaya naman, para may mas masarap na lasa, pwedeng lagyan ang pansit-pansitan salad ng asin, paminta, at mayonnaise.

*Ang lasa raw ng pansit-pansitan ay parang hilaw na pechay at repolyo, lalo na yung stems nito. Pero yung dahon, mas masarap daw. Sources: Food Recap and The Fairy Tribe

Sunday, January 15, 2017

Nakakahawa Ba ang Balakubak? Ating Alamin



May nagtanong sa akin kung nakakahawa ba raw ang balakubak o dandruff. Dati raw kasi, hindi siya binabalakubak. Pero noong nagka-asawa siya, tsaka raw siya nagkaroon ng balakubak. Suspetsa niya ay nahawaan siya ng kanyang asawa dahil may balakubak daw ito. At dahil natutulog sila sa iisang kama, inakala niya na nahawaan siya ng fungi ng balakubak na nanlagi sa mga unan.

Balakubak at fungi


Oo nga naman. Kung ating iisipin, parang pwede ngang makahawa ang taong may balakubak kasi ang isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng balakubak ay isang uri ng fungus na tinatawag na malassezia.

At kadalasan, ang mga sakit na balat na ang sanhi ay fungi gaya ng buni, an-an, alipunga o hadhad ay nakakahawa lalo na kapag ginamit mo ang mga personal na bagay ng mga taong apektado nito.

Nakakahawa ba ang balakubak?


Good news mga readers ng Pinoy Health Tips. Ayon sa Kalusugan.ph, hindi nakakahawa ang balakubak. Bagamat ang isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng balakubak ay fungi, hindi ito nakakahawa.

Kung ikaw ay hindi binabalakubak dati pero nagkaroon ngayon, marahil isa rito ang mga sanhi:

  • naging mas oily ang iyong balat, lalo na sa anit
  • madalas na paggamit ng matatapang na produkto sa buhok gaya ng shampoo, conditioner, gel, hair spray
  • masyado ka nang stress
  • hindi ka na masyadong makapagbanlaw ng buhok nang ayos, o poor hygiene


Ang masasabi ko lang dun sa nagtanong sakin kung bakit siya nagka-balakubak magmula nang siya ay mag-asawa, marahil ang pagkakaroon ng buhay mag-asawa ay nagdulot ng stress sa kanya kaya siya binalakubak.

Saturday, January 7, 2017

Luyang Dilaw Para sa Hika: Nakakagaling Nga Ba Ito?

luyang dilaw para sa hika

Ayon sa American Academy of Allergy Asthma and Immunology, mayroong mahigit-kumulang na 300 milyong katao ang may hika o asthma sa buong mundo. Ang masama pa nito, mayroong 250,000 katao ang namamatay taun-taon dahil sa sakit na ito.

Maraming mga Pinoy na may hika ang walang kakayanang bumili ng mga asthma inhaler o nebulizer dahil ang mga ito ay nagkakahalaga ng 400-2000 pesos pataas.

Bagamat pwedeng pumunta sa mga barangay health center para makahiram ng aparato, mas maigi pa rin na mayroon kang sarili mong gamit na pwede mong mahigit kahit anong oras lalo na kapag emergency.

Kung wala talagang maipambili ng gamot para sa hika, maaaring mag-try muna ng mas murang alternatibo gaya ng mga halamang gamot. Ang ilan sa mga halamang gamot na kilalang nakakapagpagaling ng hika ay ang luyang dilaw.


Luyang dilaw para sa hika


Ang luyang dilaw (turmeric in English) ay luya na ang laman ay kulay orange. Madalas itong ginagamit na pampalasa at pampakulay sa mga niluluto gaya ng tinola, sweet and sour fish, adobo sa dilaw, at marami pang iba. Masarap din naman, pero para sakin, mas masarap pa rin yung pangkaraniwang luya o ginger.

luyang dilaw
Image Source

Bukod sa ginagawa itong pampalasa at pampakulay, ang luyang dilaw ay epektibo ring gamot para sa hika. Ang luyang dilaw ay may kakayanang:

- paluwagin ang blood vessels para makapasok nang mas maigi ang dugong may oxygen
- i-relax ang mga namamagang muscles sa paligid ng respiratory system o daluyan ng hangin
- ibalik ang normal na paghinga

...dahil sa taglay nitong anti-inflammatory compounds, o anti-pamamaga.


Paano inumin ang luyang dilaw para sa hika


Iba't iba ang pagpreprepare ng luyang dilaw para sa hika. Pero ang pinakamadaling gawin ay ang turmeric tea.

Ingredients:

1 kutsarita - tinadtad o niyadyad na luyang dilaw
4 tasa - tubig
1 piraso calamansi o 1 kutsarita honey (optional)

How to prepare:

1. Pakuluan ang 4 na tasang tubig.
2. Pagkakulo, ilagay ang niyadyad na luyang dilaw.
3. Pahinaan ang apoy, at hayaang kumulo pa ng 8-10 minuto.
4. Salain ang tsaa para maalis yung buo-buong luyang dilaw.
5. Magsalin sa isang tasa.
6. Pigaan ng calamansi, o haluan ng honey kung ayaw mo nung lasa ng purong luyang dilaw.

Uminom ng turmeric tea 3-5x per day.


Must Read

loading...