Thursday, June 1, 2017

First Aid sa Kagat ng Aso

first aid sa kagat ng aso

Noong bata pa ako, nakagat ako ng alaga naming aso. Kinukulit ko kasi. Kaya ayon, nakagat. Ang naaalala kong first aid na ginawa sakin noon ay pagtapal ng bawang doon sa maliit kong sugat. (Saka na natin pag-usapan kung epektibo ngang pang-first aid ang bawang sa kagat ng aso).

Pero kung ikaw ay nakagat ng aso, eto muna ang iyong dapat unahing gawin, bago ang lahat-lahat. Gawin ang sumusunod na first aid sa kagat ng aso:

1. Hugasan ang nakagat na parte ng katawan gamit ang sabon at tubig. Mas maigi yung mga sikat na brand ng anti-bacterial soap para iwas impeksyon gaya ng Safeguard. Kung wala, kahit anong gamit niyong sabon na pampaligo, basta mahugasan agad.

Pero ayon dito sa artikulo ng RiteMed, mainam din daw ang sabong panglaba kasi mas matapang daw itong pamatay ng bacteria. Hmm... Sabagay, may anti-bacterial properties din kasi ang mga sabong panlaba.

2. Sabunin nang maigi ang sugat sa umaagos na tubig sa loob ng 10 minutes. Pagkatapos ay banlawan nang ayos at patuyuin.

3. Gaya ng pag-aasikaso sa normal na sugat, pahiran ito ng povidon iodine (o Betadine).

4. Pagkatapos ay dalhin ang pasyente sa ospital para mas masuri nang maigi ng mga doktor.

5. Obserbahan ang asong nangagat within 10 days. Kung naglalaway at parang naging asong ulol, malaking posibilidad na may rabies ito.

Para sa iba pang dagdag na detalye, basahin ang mga artikulong ito:

1. First Aid Tips para sa Kagat ng Aso
2. Rabies sa Pilipinas

Latest
Next Post

About Author

0 comments:

Must Read

loading...