Saturday, July 15, 2017

Gamot sa Sobrang Pamamawis? Alamin ang Iba't Ibang Solusyon

gamot sa sobrang pamamawis

Wala ka dapat ikabahala kung ikaw ay nagpapawis kapag mainit ang panahon o kaya naman ay may ginawa kang medyo heavy at galaw ka nang galaw. Normal lang ito. Lahat ng tao ay namamawis sa mga ganitong sitwasyon.

Pero paano kapag malamig na ang panahon at konting kibo mo lang ay sobra-sobra na ang pamamawis mo? Fresh na fresh ang itsura ng lahat ng mga kasama mo pero ikaw, para kang naligo sa ulan. Ang tawag sa ganitong kondisyon ay hyperhidrosis na kung saan ay labis ang pamamawis ng iyong katawan.

Kadalasan, nagiging pawisin ang isang tao sa pagtapak niya sa pagbibinata o pagdadalaga. Mas active na kasi ang sweat glands natin na mag-produce ng pawis kapag nasa adoloscent age na tayo. Yung iba, nawawala ang hyperhidrosis habang tumatanda. Yung iba naman ay hindi, pawisin pa rin.

Kung isa ka sa mga taong nanatili ang hyperhidrosis, meron pa namang pag-asa para ito ay gumaling. Maraming iba't ibang hyperhidrosis solution ang iyong pwedeng subukan para magamot ang sobra mong pamamawis. Ito ay ang mga sumusunod:

Pagbabago ng iyong lifestyle


Ang pagbabago sa iyong lifestyle ay hindi naman talaga gamot sa sobrang pamamawis, pero makakatulong ito para mabawasan ang iyong labis na pagpapawis. Gawin ang mga sumusunod:
  • Gumamit ng anti-perspirant o kahit deodorant man lang para mabawasan ang sobrang pamamawis ng kili-kili.
  • Magsuot ng mahangin, manipis o maginhawang damit para makadaloy ang hangin at matuyo-tuyo ang pawis na nag-bubuild up sa katawan.
  • Bawasan din ang pagkain ng maaanghang na pagkain, alak at kape kasi magpapawis ka kapag kinain o ininom mo ang mga ito.
  • Maglagay ng shoe pads para masipsip yung pawis sa paa.

Sumailalim sa iontophoresis treatment

Natalakay na natin ito nung minsan. Ang iontophoresis ay isang uri ng gamot sa sobrang pamamawis na ginagamitan ng iontophoresis machine. Ilulublob mo ang iyong mga kamay o paa sa isang lalagyan na may tubig tapos may konting electrical current na dadaloy sa iyo. Regulated at calibrated naman ito kaya wala ka dapat ikabahala.

Paggamit ng anticholinergic drugs

Kapag ikaw ay nagpa-checkup sa doktor para malaman kung ano ang gamot sa sobrang pamamawis, kadalasan ay i-advice nila na mag-take ka ng anticholinergic drugs. Ito yung mga klase ng gamot na talagang iminumungkahi para makontrol mo ang labis na pagpapawis ng iyong katawan. Ang pinaka-common na anticholinergic drugs para sa hyperhidrosis ay oxybutynin, glycopyrrolate at propantheline.

Pagpapa-botox injection

Hindi lamang pampawala ng kulubot ang pagpapa-botox injection. Ang gamot na ginagamit sa botox injection ay pwede ring gamot sa sobrang pamamawis ng kamay, paa at kili-kili. Kapag nagpa-botox ka, pawis-free ka sa loob ng 6 months to 1 year.

Pagpapa-opera o surgery

Kung malala na talaga ang iyong hyperhidrosis, ang last resort mo na ay magpa-opera, na kung saan ay i-cucut ng doktor ang iyong sweat glands para hindi ka na magpawis. Pwede ka magpa-liposuction o kaya naman ay ETS surgery. Check niyo ang article na 'to: Hyperhidrosis Treatment Overview


Hindi naman nakamamatay ang hyperhidrosis pero nakakahiya na rin kasi at nawawala ang iyong confidence kapag lagi kang namamawis. Bagamat may home remedies para masolusyonan ang iyong pagpapawis, ang effect nito ay hindi pangmatagalan.

Kaya kung ikaw ay naghahanap ng pangmatagalan na solusyon, magpa-checkup sa doktor at tanungin kung ano ang pinaka-epektibong gamot para sa iyo.

Tuesday, July 11, 2017

Tanglad Para sa Highblood: Paano Ito Ihanda Bilang Gamot sa Mataas na Presyon


Kung ikaw ay magtatanong sa mga kakilala mo kung ano ang mabisang halamang gamot para sa mataas na presyon, ang isa sa madalas na i-suggest nila ay tanglad.

Bukod sa bawang, ang tanglad o lemongrass ay naturingan ding effective na gamot para sa highblood kasi ito ay may anti-cholesterol properties. Kumbaga nililinis nito yung mga nakabarang cholesterol sa ugat mo na kung saan dumadaloy yung dugo.

Tama. Hindi lang basta pampabango at pampalasa ng pagkain ang tanglad. Halamang gamot din ito para sa altapresyon.

Kaya kung ikaw ay may highblood, pwede kang sumubok ng tanglad. Pero paano nga ba ito iprepara?

Tanglad para sa highblood: Paano ito iprepara

Madali lamang ihanda ang tanglad para sa highblood. Gagawa ka lang ng tsaa at iinumin mo 'to ng 2x-3x a day.

*Nakuha ko ang prosesong ito sa The Power of Herbal Medicine

Ingredients:

1 tali ng dahon ng tanglad
4 na basong tubig
1-2 kutsarang asukal (optional)

Procedure:

1. Gayatin ang mga dahon ng tanglad sa mas maliliit na haba at hugasan ito.
2. Magpakulo ng 4 na basong tubig at ilagay ang mga ginayat na dahon ng tanglad.
3. Pakuluan lamang ito within 3-5 minutes.
4. Salain ito.
5. Pwede mong inumin nang puro ang tsaa na gawa sa tanglad o kaya naman ay pwede kang mag-asukal ng 1-2 kutsara.

Para mas maintindihan niyo, panuorin din ang ginawang video ng Pinoy Herbs & Fruity Medicine.


Sunday, July 9, 2017

Gamot sa Pangangati ng Balat: Mga Lunas para Hindi Ka na Kamot nang Kamot

gamot sa pangangati ng balat

Halos magsugat na ba ang balat mo dahil sa hindi mapigilang pagkakamot?

Naranasan ko na din yan noong nasa elementary at high school pa lamang ako. Wala naman akong sakit sa balat, pero sadyang ang kati ng balat ko.

Kamot ako nang kamot sa hita ko, sa alak-alakan ko, o kaya naman ay sa binti ko. Ni hindi nga ako makapag-shorts dati kasi ang dami kong peklat dahil sa kamot.

Naliligo naman ako at naghihinaw ng katawan bago matulog. Pero kahit pagkatapos maligo, makati pa rin.

Pero nawala yung pangangati ng balat ko noong gumamit ako ng Dr. Wong's Sulfur Soap. Naliligo muna ako ng normal na sabon ko tapos sunod eh yung sulfur soap.

Pero kung gusto mo ng iba pang paraan para mawala ang pangangati ng balat mo, try mo ang mga home remedies na ito:

Baking soda


Mula panlinis ng kung anu-ano o kaya naman ay gamot sa pangangati ng balat, kayang kaya ito ng baking soda. Meron kasi itong anti-inflammatory properties.

Di ba kasi kapag nangangati ang iyong balat namamantal ito o nagiging inflamed. Kaya naman kapag ginamitan mo ng baking soda ang nangangati mong balat, huhupa ito.

Para gamitin ang baking soda, haluan mo yung tubig sa timba na pampaligo mo. O kaya naman kung may bath tub ka, magbabad ka dun at least 30 minutes.

Lemon o calamansi


Magkano ba ang lemon sa palengke? Kung mahal, mag-calamansi na lang. Meron din kasing anti-inflammatory properties ang lemon at calamansi gaya ng baking soda na nakakagamot sa pangangati ng balat.

Gaya na lamang kapag masakit at nangangati yung ating lalamunan, di ba ang advice sa'tin ay uminom ng calamansi juice para mawala-wala ang pananakit at pangangati? Ibig sabihin, kayang-kaya din nitong pagalingin ang pangangati ng balat.

Malamig na tubig

Kapagka wala kang baking soda o calamansi sa bahay at mamamalengke ka pa ng mga yun, pwede mong pang-first aid sa pangangati ng balat ang malamig na tubig.

Ilubog mo yung bimpo sa palanggana ng malamig na tubig tapos pigain mo. Punasan ang balat na nangangati. O kaya naman, pwede mo syang ipanghinaw o ipampaligo.


Anu-ano pang home remedies para sa pangangati ng balat ang alam niyo? Share niyo sa comment box!

Must Read

loading...