Monday, May 27, 2019

Buntis at Namamanas ang Paa? Mga Dapat Gawin Para Mabawasan ang Pagmamanas

gamot sa pamamanas ng buntis

Habang ikaw ay nagbubuntis, posibleng mamanas ang iyong mga paa lalo na pagsapit ng iyong third trimester (7-9 months). Ito ay normal lamang. Kasi habang lumalaki ang bata sa iyong sinapupunan, naiipit nito ang iyong pelvic veins at vena cava. Kapag naipit ang mga ugat na ito, naiipon ang tubig sa iyong mga ugat kaya ikaw ay namamanas.

Para maibsan at hindi lumalala ang pamamanas ng iyong paa, mabuting gawin ang mga sumusunod:

1. Itaas ang mga paa kapag ikaw ay nakaupo o matutulog.


Sa lahat ng mga babanggitin kong gamot sa pamamanas ng paa, ito ang pinaka-effective sa akin noong ako'y nagbubuntis. Ang pagtaas ng paa kasi ay nakakatulong para dumaloy ang labis na tubig pabalik sa iyong puso.

Mas effective din kung papaikut-ikutin mo nang dahan-dahan ang iyong mga paa at igagalaw-galaw ang mga daliri nito habang ikaw ay nakaupo.

2. Isama ang pagkain ng munggo o balatong sa iyong diet.


Ang pagkain ng munggo para mawala ang manas ay hindi lang basta-bastang kasabihan ng matatanda. May science sa likod nito. Dahil ang buntis ay mas mainit ang pakiramdam, nagkakaroon ng pamamanas ang kanyang katawan, lalo na ang mga paa.

Para mabalanse ang temperatura ng buntis, kumain ng munggo. Ang munggo ay may kakayahang "magpalamig" ng temperatura ng katawan para maiwasan ang pamamanas. Mas maigi kung hihigop ka ng malamig na sabaw na may munggo para mas maging epektibo ito.

3. Kumain ng potassium-rich foods.


Bukod sa munggo, kumain din ng potassium-rich foods gaya ng saging, kamote, at avocado. Kapag kumain ka ng mga ito, dadalas ang iyong pag-ihi na siyang nakakatulong para mabawasan ang iyong pamamanas. Ang pagkain din ng potassium-rich foods ay nakakatulong para mailabas mo ang labis-labis na sodium (asin) sa iyong katawan.

4. Gumalaw lagi.


Para hindi mapirmi ang iyong pamamanas, mag-gagalaw ka. Mag-ehersisyo at huwag uupo o tatayo nang matagal. Naalala ko noong umuwi kami ng probinsiya. Limang oras akong nakaupo. Noong bumaba kami ng bus, naramdaman kong ang sikip na ng suot kong doll shoes, namanas na pala ang paa ko.

5. Uminom ng salabat.


Isa pang mabisang pang-gamot ng pamamanas ng paa ay ang pag-inom ng salabat. Ang luya kasi ay mabisang pampaihi para mailabas mo ang sobra-sobrang tubig ng iyong katawan. Meron daw kasing gingerol ang luya na effective sa pamamaga o pamamanas.



Ikaw, anu-ano pa ang mga alam mong gamot sa pamamanas ng paa ng mga buntis? I-share sa comments.

Tuesday, April 16, 2019

Gamot sa Tulo: Paano Gamutin ang Tulo o Gonorrhea


Lalaki man o babae, pwedeng magkaroon ng tulo o gonorrhea sa wikang Ingles. Ang tulo ay isang uri ng STD o sexually transmitted disease. Ito ay nakahahawang sakit na nakukuha sa iba't ibang klase ng pakikipagtalik gaya ng vaginal sex, oral sex, at maging anal sex.

Ang tulo ay sanhi ng bacteria na tinatawag na Neisseria gonorrhoeae. Ang bacteria na ito ay mahilig manirahan sa basa at mainit na parte ng katawan gaya ng ari ng lalake o babae, lalamunan, pwet, at kahit sa mata.

Kapag ikaw ay may tulo, makakaramdam ka ng alinman sa mga sumusunod na sintomas:

Sintomas ng tulo sa lalaki


  • parang maiihi lagi, minsan ay kakaunti o wala namang lumalabas na ihi
  • pananakit ng bayag
  • pamamaga at pamumula ng dulo ng ari
  • may tumutulong nana sa ari
  • masakit na lalamunan 
  • pamumula at pananakit ng mata


Sintomas ng tulo sa babae


  • parang maiihi lagi, minsan ay kakaunti o wala namang lumalabas na ihi
  • pananakit o paghapdi ng ari habang umiihi
  • may bahid ng dugo ang ihi
  • may nana ang panty, kulay berde o dilaw
  • pananakit ng lalamunan
  • pamumula at pananakit ng mata


Ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring hindi mo maranasan lahat gaya ng pananakit ng lalamunan, at pamumula at pananakit ng mata. Mananakit lang ang iyong lalamunan at mga mata kung naimpeksiyon din ang mga ito.

Para gamutin ang iyong tulo, sundin ang mga sumusunod na payo:

Gamot sa tulo o gonorrhea: Antibiotic


Dahil ang tulo ay isang uri ng impeksiyon, ang pangunahing gamot dito ay antibiotic. Kadalasan, ang antibiotic na nirereseta para sa mga may tulo ay Ciprofloxacin o Levofloxacin. Pwede ka ring resetahan ng Doxycycline o Azithromycin.

Hindi ba kaya ng Amoxicillin ang tulo?


Kung noon siguro, kaya pa ng Amoxicillin na gamutin ang tulo. Pero ngayon, mas malalakas na ang strain ng mga bacteria. Kumbaga, nag-level up na sila at hindi na sila kayang gamutin ng Amoxicillin lang basta-basta.

Mabibili ba ang mga antibiotic para sa tulo kahit walang reseta?


Matagal nang may regulasyon na kapag antibiotic ang bibilhin, dapat ay may reseta. Pero hindi pa ganoon kahigpit noon. Noon, makakabili pa ng Ciprofloxacin nang walang reseta. Pero ngayon, ni Amoxicillin, hindi ka na makakabili sa mga kilalang pharmacies kapag wala kang reseta.

Kaya para makabili ka ng antibiotic, kailangan mo talagang magpakonsulta sa doktor kahit na pakiramdam mo ay nakakahiya. Pero hindi dapat mahiya. Ang mga doktor ay pinoprotektahan ang privacy ng kanilang mga pasyente. Kung hindi ka agad iinom ng antibiotic, maaari itong lumala at kumalat ang impeksiyon sa iyong reproductive system at magdulot ng pagkabaog.


Pwede bang home remedies o herbal na gamot na lang para gumaling ang tulo?


Maraming home remedies o herbal na gamot para mabawasan ang sintomas ng iyong tulo gaya ng pananakit habang umiihi. Nariyan ang pag-inom ng buko juice, gatas, at iba pa. Pero hindi ka gagaling kung ito lang ang gagawin mo. Kailangan talaga ng antibiotic.


Sources:
Ano ang gamot sa tulo ng lalaki?
Sexually-transmitted disease
Ano ba ang tulo?

Tuesday, April 2, 2019

Pasmadong Kamay: Paano Ito Gamutin

gamot sa pasmadong kamay

Dito sa Pilipinas, may tinatawag tayong pasmadong kamay. Sa ibang bansa, nahahalintulad ito sa kondisyon na hyperhidrosis. Ang ibig sabihin ng hyperhidrosis ay excessive sweating, which is one of the signs and symptoms ng pagkakaroon ng pasmadong kamay.

According to our elders, you'll be at a higher risk of having pasma if you will immediately wash your hands or feet with cold water when you're tired from work. Though there's no enough scientific explanation for this, masasabi nating isa nga rin ito sa mga dahilan ng pagkakaroon ng pasmadong kamay.

Pero paano mo ba magagamot ang iyong pasmadong kamay o hyperhidrosis? May solusyon pa ba para rito?

Gamot sa Pasmadong Kamay


The good news is, there are many ways on how to minimize your hands' excessive sweating. This includes the following home remedies:

Drink more water. To keep your body cool at all times, uminom ng maraming tubig. Drinking more water helps to balance your body's temperature to prevent excessive sweating. Ayon sa mga eksperto, ang recommended water intake is about 2-3 liters per day.

Magpahid ng cornstarch sa affected part. Ang cornstarch ay mayroong absorbent properties kaya napreprevent nito ang excessive sweating ng iyong mga kili-kili, kamay, at paa. You can apply it every time before ka matulog.

Apply hot compress. Applying hot compress helps minimize the pain or discomfort caused by your hand spasm or tremors. Nakakapag-provide din ito ng good blood circulation sa ugat-ugat ng iyong mga kamay.

Magtunaw ng tawas sa tubig pampaligo. To prevent your hands or entire body from producing too much sweat, need mo lang magtunaw ng tawas sa iyong tubig na pampaligo. Bukod sa nakakapigil ito ng pawis, nagsisilbi rin itong deodorant para hindi mangamoy ang iyong katawan.

Though the abovementioned home remedies can help alleviate your condition, these home remedies don't deliver a long-lasting effect. For a more effective solution, gumamit ng iontophoresis machine.

Iontophoresis Machine Para sa Mabilisan at Pangmatagalang Solusyon


The iontophoresis machine is a handy device that sends minimal electrical current to your hands or feet to minimize sweating. This procedure can be done at your own home, and won't cause you any pain or harm. Para magkaroon kayo ng idea kung ano ang iontophoresis machine, tingnan ang sumusunod na larawan.

iontophoresis machine
Iontophoresis Machine

Setting up this device is very easy. Meron namang manual kung paano ito i-set up. After setting it up, place your hands or feet on top of the towels with tap water. This procedure only takes about 15-20 minutes depending on the severity of your condition. With regular and continued use, unti-unting mababawasan ang pamamawis ng iyong kamay o paa.

How Effective Is Iontophoresis? 


According to studies, 92.9% ng mga taong gumamit ng iontophoresis machine ay nakakakita na agad ng resulta sa loob ng two weeks.


Saan Makakabili ng Iontophoresis Machine?


You can purchase your iontophoresis machine from Dermadry. Trusted sila at marami ring positive reviews about sa product nila.

Bukod sa iontophoresis machine para sa kamay at paa, meron din silang device para sa pawising kili-kili. Sa iba kasi, wala nito.

iontophoresis machine for underarms
Iontophoresis Machine for Underarms

Kaya kung hindi lang pasmadong kamay at paa ang problema mo pati ang iyong pawising kili-kili, much better if oorder ka sa Dermadry.

To order, i-search lang ang Dermadry website. Meron din silang Facebook Page para sagutin ang mga katanungan niyo.

Sunday, March 31, 2019

Okay Lang Bang Makipagtalik Kahit Buntis?

pakikipagtalik habang buntis

Kung ikaw ay buntis, okay lang makipagtalik sa iyong asawa. Hindi ito bawal lalung-lalo na kung ang pagbubuntis mo ay wala namang komplikasyon.

Bakit Pwedeng Makipagtalik Kahit Ikaw ay Buntis?


Una sa lahat, ang iyong baby ay maraming proteksyon para hindi siya masaktan kahit na sobrang galaw mo habang nakikipagtalik.

Nariyan ang iyong amniotic fluid o ang iyong panubigan na nagsisilbing cushion o unan para hindi siya masaktan sa kahit anong likot mong gumalaw. Pinoprotektahan din ang iyong baby ng makapal mong mucus plug, na siyang nagsasara sa iyong cervix. Kaya wala ka dapat ikabahala.

Bakit Sabi ng Iba Bawal Makipagtalik Kapag Buntis?


Although sabi ng ibang OB ay pwedeng makipagtalik kahit buntis ka, meron ding ilang OB na pinagbabawalan makipagtalik ang mga pasyente nilang buntis.

Gaya na lang dun sa OB ko noon. Ang sabi niya sa akin, huwag na raw akong makipagtalik sa aking asawa pagtapak ng 6 months. Nagdudulot daw kasi ang pakikipag-sex ng premature labor at delikado na sa ganoong buwan pataas. Sumunod naman ako, at isa pa, hindi rin talaga ako komportable ng nakikipagtalik habang buntis.

Kaya depende pa rin sa ipapayo ng iyong OB kung pwede kang makipagtalik o hindi habang buntis.

Monday, March 4, 2019

Exclusive Breastfeeding Naman Ako, Pero Bakit Nagkaregla Agad Ako?

exclusive breastfeeding pero nagkaregla agad

Marahil ay alam niyo na na kapag exclusive breastfeeding ka sa iyong baby hanggang 6 months ay hindi ka mabubuntis. Ang tawag dito ay lactational amenorrhea method (LAM), isang epektibo at no-cost na birth control method.

Kapag kasi ikaw ay eksklusibong nagpapasuso kay baby, ang iyong obaryo ay hindi mag-proproduce ng egg cell. Busy kasi yung hormones sa paggawa ng breast milk, kaya tumitigil ang pag-produce ng egg cell.

Habang ikaw ay eksklusibong nagpapasuso sa loob ng 6 na buwan, hindi ka dapat magkakaregla. Pero bakit ganon? Nagkaregla ka agad kahit na exclusive breastfeeding ka?

Ang 2-Hour or 3-Hour Rule


Bagamat exclusive breastfeeding ka sa iyong baby, kung hindi mo naman nasusunod ang 2-hour or 3-hour rule, hindi bibisa ang lactational amenorrhea method.

Ang 2-hour or 3-hour rule ay ang pagpapasuso sa iyong baby every 2 or 3 hours. Kung hindi mo nasusunod ito, imbis na ma-busy yung hormones mo sa pag-proproduce ng breast milk ay mag-proproduce sila ng egg cell hanggang sa ikaw ay mag-ovulate at magka-regla.

Kaya kung gusto mong hindi agad-agad mabuntis, pasusuhin mo ang iyong baby kada 2 o 3 oras. Bagamat wala kang ginagastos para sa birth control method na ito, kailangan mo ng sipag at tiyaga para magpasuso sa iyong baby.

Thursday, February 28, 2019

Nakakabilib na Health Benefits ng Sibuyas

health benefits ng sibuyas

Sa pagluluto, hindi pwedeng mawala ang sibuyas. Bukod sa nagpapalasa at nagpapabango ito ng iyong niluluto, ito rin ay masustansya. Kung regular mong isinasama sa iyong niluluto ang sibuyas, makakakuha ka ng napakarami nitong health benefits gaya ng mga sumusunod:

Pampababa ng Lagnat


Isa sa mga sikat na pinag-gagamitan ng sibuyas ay ang pagpapababa ng lagnat. Para bumaba ang iyong lagnat, mag-gayat ng sibuyas at ilagay ito sa medyas. Suotin ito sa gabi kapag ikaw ay matutulog na.

Gamot sa Ubo at Sipon


Kung ikaw ay nagkaroon ng ubo at sipon noong ikaw ay bata pa, malamang ay naaalala mo ang ginagawa ng iyong lola. Ginagawan ka niya ng onion syrup para gumaling ang iyong ubo at sipon. Para gumawa ng onion syrup, ibabad ang ginayat na sibuyas sa kaunting tubig. Lagyan ito ng kaunting asukal o honey para hindi maging masama ang lasa. Hayaang nakababad ito sa loob ng isang oras. Pagkatapos ay alisin ang buo-buong sibuyas at saka ipainom ang onion syrup.

Anti-Peklat


Kung ikaw ay may peklat, pwede mong gamitin ang sibuyas para ito ay mawala. Gayatin ang sibuyas at ikuskos ito sa iyong peklat. Kailangan ay regular mo itong ginagawa sa loob ng 10 linggo. Kung paminsan-minsan lang, wala itong magiging epekto.

Gamot sa Paso


Pwede ring gamitin ang sibuyas para maibsan ang pananakit na dulot ng paso. Tapalan lamang ng isang slice ng sibuyas ang napasong balat para ito ay gumaling. Pero bago ito tapalan ng sibuyas ay siguraduhin munang nalinis ito ng tubig.

Pananakit ng Katawan


Ang sibuyas ay merong analgesic properties. Ibig sabihin, may kakayanan itong maibsan ang anumang pananakit ng iyong katawan. Pwede mong gawin itong pantapal, o kaya naman ay gumawa ka ng onion juice at inumin ito.

Iwas Cancer


Ang sibuyas ay mayaman sa dietary flavonoids. Ito yung kemikal ng sibuyas na tumutulong para maiwasan ang pagkakaroon ng cancer. Bukod sa flavonoids, meron ding sulphur ang sibuyas para linisin ang anumang toxins ng katawan lalung-lalo na sa iyong atay at colon.


Bagamat wala pang sapat na studies ang ilang health benefits na nabanggit, wala namang maidudulot na masama ang paggamit ng sibuyas kung hindi naman sobra.


Sources:
Onion
Will Putting Onions in Your Socks Cure the Flu?
Onion - The Amazing 'Cure-All'
5 Health Problems that Onion Can Cure
Bring Down the Fever and Draw Out Infection With Onions

Wednesday, February 20, 2019

May Breast Cancer Ka Kaya? Mga Senyales at Sintomas ng Breast Cancer


Ang breast cancer ay ang pinaka-nangungunang klase ng cancer sa Pilipinas. In fact, isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng breast cancer sa buong Asya.

Bagamat ang breast cancer ay nakamamatay, pwede mong maiwasan ang paglala nito at maisalba ang iyong buhay sa pamamagitan ng early detection.

Para malaman kung ikaw ay may breast cancer, narito ang ilang mga senyales at sintomas ng breast cancer:

Bukol sa dibdib - Kung may nakakapa kang bukol sa iyong dibdib, itaas ng dibdib, o gilid ng dibdib sa parteng may kili-kili, posibleng ikaw ay may breast cancer. Kahit wala kang nakikitang bukol o nakakapang bukol, basta kung ang pakiramdam mo ay may bukol sa iyong dibdib, magpa-konsulta na agad sa doktor.

May lumalabas na likido sa suso - Isa pang senyales ng breast cancer ay ang paglabas ng likido sa iyong suso lalo na at hindi ka naman isang breastfeeding mom. Kadalasan, ang likidong lumalabas ay may halong dugo at medyo may amoy.

Paglubog ng iyong utong - Sa taong may breast cancer, mapapansin na unti-unting lumulubog ang utong. Posibleng ito ay dahil sa pag-atake ng cancer cells sa iyong nipple ducts, kaya naiiba ang porma ng iyong utong.

Pagkakaroon ng mala-dalandan na balat sa suso - Kung datirati ay makinis ang iyong suso, pero ngayon ay nagkaroon ng mga ukab-ukab o parang balat ng dalandan, posibleng ikaw ay may breast cancer. Ang pag-uukab ay dulot ng maraming pagtubo ng bukol sa iyong dibdib kaya hindi na nagiging makinis ang balat nito.

Pagbabalat at pagsusugat ng utong - Kaya nagbabalat at nagsusugat ang iyong utong kapag may breast cancer, kasi hindi na nakakakuha ng sapat na sustansiya ang iyong suso. Ang mga lymph ducts mo ay nagiging barado dulot ng mga bukol na tumutubo sa iyong suso.

Mas malaki at mas lawlaw ang isang suso - Normal sa isang babae at isang breastfeeding mom ang hindi magkapantay o hindi magkasinglaki ang suso. Pero kung napansin mong mas malaki at mas lawlaw ang isa mong suso sa normal, posibleng ikaw ay may breast cancer. Ang namumuong bukol kasi ay nagdaragdag ng bigat sa iyong suso na siyang sanhi ng lalong paglaki nito at paglawlaw.

Pamumula o pamamaga ng suso - Ang pamumula ng suso ay senyales na naiipit ng mga bukol ang lymph vessels ng iyong suso, na siya namang susundan ng pamamaga. Pero kung ikaw ay malapit nang magkaroon ng regla, hindi ka dapat maalarma. Normal lang na mamaga ang suso bago magka-regla.


Kung may nararanasan kang alinman sa mga senyales at sintomas na nabanggit sa taas, huwag mag-aatubiling magpa-konsulta sa doktor.

Tandaan, ang breast cancer ay nakamamatay. At ang 300 pesos na pampa-checkup ay barya lang kumpara sa aktwal na magagastos mo kung ang breast cancer mo ay lumala.

Save your breasts, save your life.

Sources:
Understanding Breast Cancer
Breast Cancer and How to Prevent It
Paano Malalaman Kung Mayroon Kang Breast Cancer?
Breast Cancer Signs and Symptoms

Monday, February 18, 2019

No Rash Diaper Cream: Unbiased Review

no rash diaper cream unbiased review

Hi mommies and daddies!

Share ko lang yung experience ko sa No Rash diaper cream. Bale nireseta kasi eto ng pedia ng baby namin as maintenance. So effective nga ba ito para sa rashes? Here is my unbiased review sa No Rash diaper cream.

Price


Hindi ko na tanda kung magkano bili namin sa No Rash diaper cream. Sa pedia kasi namin binili. Pero sabi ng asawa ko, parang 30 or 50 pesos lang daw. Pero sa Shopee, nasa 90 pesos siya. Sa Lazada naman, nasa 150 pesos siya. Super mura pa rin kumpara sa mga mas kilalang brands.

Kaso nakakaduda. Kasi ang mura. Pag mura di ba, kadalasan walang kwenta. So tingnan natin.

Packaging

no rash diaper cream

Yung kahon niya, maganda naman ang layout/design. So bakit pati design pinapakialaman ko? Kasi dun pa lang, malalaman mo kung may binatbat nga ba yung product. First impressions kumbaga. Madali na kasi ngayon gumawa ng sarili mong brand ng diaper cream, basta organic at FDA-approved, okay na.

no rash diaper cream packaging

Pero when I saw the actual container of the diaper cream, medyo napangiwi ako. Parang napaisip ako kung effective ba talaga ito para sa diaper rash. Kasi yung container niya, parang tinapalan lang ng sticker, masabi lang na diaper cream siya. Unlike other brands na napaka-professional ng itsura.

Cream - Grams, Appearance, Feel, and Scent

no rash diaper cream appearance

Nasa 25 grams yung dami ng cream at kulay white siya. Maliit lang yung container ng cream, pero hindi naman siya madaling maubos. Maganda naman yung consistency ng cream. Hindi siya malagkit. Hindi rin malabnaw. Kapag pinapahid mo yung cream sa affected area, wala namang naiiwan na oily feeling sa mga daliri mo. Mabango din yung cream. Amoy pulbo siya.

Uses and Effectivity

no rash diaper cream uses

Base dun sa nakalagay na uses ng No Rash, ginagamit ito para sa mga sumusunod:
- helps prevent diaper rash
- helps repel wetness

Sa pag-prevent ng diaper rash, hindi ko masabi kung effective. Kasi never nagkarashes sa pwet si baby. Basta niresetahan lang kami ng pedia ng No Rash diaper cream as maintenance (at para na rin makabenta siguro yung pedia namin. Haha!)

So imbis na sa pwet ipahid, ipinahid ko sa leeg ni baby yung cream. Hindi naman siguro malalaman ng cream kung pwet nga ba yung pinagpahiran ko o hindi. Nagkakarashes kasi sa leeg si baby kasi may pagka-chubby siya. Pinapahiran namin ng No Rash yung leeg niya after maligo. Siguro after an hour or two, nawawala yung pagkapula sa leeg niya. Pero babalik ulit kasi pawisin yung baby namin.

Bukod sa leeg, pinapahid din namin yung No Rash kapagka nakagat ng lamok si baby. Kinabukasan, nahuhupa na yung pantal niya.

No Rash Diaper Cream Review: Summary


1. Price - Super mura. Ang price range ay 90 pesos (Shopee) / 150 pesos (Lazada).
2. Packaging - Hindi kagandahan.
3. Cream (Grams, Appearance, Feel, and Scent) - 25 grams. Maliit lang pero hindi madaling maubos. Kulay white. Hindi malagkit. Hindi malangis. Powder fresh scent.
4. Uses and Effectivity:
- pwede sa diaper rash
- pwede sa rashes sa leeg
- pwede sa pantal dahil sa mosquito bites

Overall: Mura at effective gamitin para sa iba't ibang rashes ni baby.

Saturday, February 16, 2019

Sibuyas: Pwedeng Gamot sa Pigsa

sibuyas gamot sa pigsa

Kung ikaw ay may pigsa at wala ka agad pambili ng gamot para rito, pwede kang gumamit ng sibuyas para ang pigsa mo ay gumaling.

Ang sibuyas kasi ay may "healing compounds" para puksain ang mga pigsa. Pero pinakakilala ang sibuyas sa kanyang antibiotic at anti-inflammatory properties para labanan ang impeksiyon na dulot ng pigsa.

Para gumaling ang iyong pigsa, may iba't ibang paraan ng paggamit ng sibuyas.

Gayat na Sibuyas


1. Balatan ang sibuyas at gayatin ito nang manipis.
2. Itapal ang isang gayat ng sibuyas sa iyong pigsa gabi-gabi.
3. Lagyan ito ng gasa at medical tape para hindi malaglag.
4. Maglagay ng bagong gayat ng sibuyas gabi-gabi hanggang ang pigsa mo ay gumaling.

Dinikdik na Sibuyas


1. Balatan ang sibuyas at dikdikin ito hanggang sa kumatas.
2. Itapal ito sa iyong pigsa gabi-gabi.
3. Lagyan ito ng gasa at medical tape para hindi malaglag.
4. Gawin ito gabi-gabi hanggang gumaling ang iyong pigsa.

Katas ng Sibuyas


1. Balatan ang sibuyas at dikdikin ito hanggang sa kumatas.
2. Ilgay ang dinikdik na sibuyas sa malinis na basahan at pigain ito hanggang sa makuha mo ang katas.
3. Ipahid ang katas sa iyong pigsa hanggang ito ay gumaling.
4. Gawin ito gabi-gabi.


Sources:
https://www.homeremediesforall.com/food-remedies/onions-for-boils.html
https://www.hellodoctor.co.za/the-best-home-remedies-to-cure-boils/
https://www.boldsky.com/health/disorders-cure/2017/how-to-use-onions-to-treat-boils/articlecontent-pf178878-118467.html

Thursday, January 31, 2019

Mainam na Gamot sa Dry Cough

gamot sa dry cough

Para sakin, ang pinaka-ayaw kong klase ng ubo ay yung dry cough. Ang kati-kati kasi sa lalamunan. Tapos mas masakit siya kumpara sa ma-plemang ubo.

Parang mas okay pa nga ang ubong may plema. Pag naidadahak mo yung plema mo, pakiramdam mo ay gumagaling ka kasi nauubos yung plema eh.

Pero mapa-dry cough or ma-plemang ubo, ito ay hindi healthy sating katawan. So share ko lang dito yung mga home remedies for dry cough.

Mag-ngata ng hilaw na luya

luya gamot sa dry cough

Ang luya ay maiging gamot sa dry cough, kasi nababawasan nito ang pamamaga ng iyong lalamunan dulot ng tuluy-tuloy na pag-ubo.

Para gamitin ang luya na gamot sa dry cough, kumuha ng isang buong luya, balatan ito, budburan ng konting asin, at siya mong ngatain at kainin.

Kung hindi mo naman kayang kumain ng hilaw na luya, pwede ka namang gumawa ng salabat mula sa luya. Maglaga lang ng luya at inumin ang tsaa. Uminom ng salabat 3 beses sa isang araw.

Uminom ng katas ng sibuyas

sibuyas gamot sa dry cough

Isa pang mabisang gamot para sa dry cough ay ang sibuyas. Magbalat at tadtarin ang hilaw na sibuyas. Pigain ito para kumatas. Yung katas ang siya mong iinumin para gumaling ang iyong dry cough. Kung hindi mo kaya ang purong katas ng sibuyas, lahukan ito ng honey. Isang kutsarita lang ang pag-inom ng katas ha!

Bukod sa pagpapakatas ng hilaw na sibuyas, pwede mo ring gawing juice yung sibuyas. Magpakulo ng tubig, lahukan ng tinadtad na sibuyas at pigaan ng lemon juice para hindi gaanong matapang.

Uminom ng maraming tubig

tubig gamot sa dry cough

Para matanggal ang panunuyo at pangangati ng lalamunan, uminom ng maraming tubig. Kung nakaka-8 baso ka isang araw, gawin mo itong 10-12 basong tubig. Mahalaga kasing panatilihing basa ang lalamunan para hindi ito lalong mairita.

Humigop ng maraming sabaw.

sabaw gamot sa dry cough

Bukod sa tubig, humigop ka ng maraming sabaw. Ang mainit na sabaw ay nakakatulong para guminhawa ang iyong lalamunan pati na rin sikmura. Pwede kang humigop ng sabaw ng sinigang, nilaga, tinola, at sopas.


Marami pang iba't ibang natural na lunas para gumaling ang iyong dry cough. Pero ang mga nabanggit sa taas ang pinakamadaling gawin. Para sa karagdagang gamot sa dry cough, basahin ang mga sumusunod:

https://www.onlymyhealth.com/home-remedies-dry-cough-1352374264
https://allayurveda.com/blog/instant-relief-with-simple-remedies-for-dry-cough/
https://www.holistichealthherbalist.com/home-remedies-for-cough/
https://www.healthline.com/health/dry-cough#treatment

Monday, January 21, 2019

Magandang Subukan ang Mga Ito Para Gamutin ang Iyong Uric Acid

gamot sa uric acid

Manakit-nakit na ba ang iyong mga kasukasuan dahil sa mataas na uric acid level? Kung wala ka pang sapat na budget para pampa-checkup sa doktor at pambili ng gamot, pwede mo namang subukan ang mga natural na lunas na makikita lang sa iyong paligid at kusina.

Kung gusto mong maibsan ang sakit na dulot ng mataas na uric acid, subukan ang mga halamang gamot na ito:

Gamot sa Uric Acid: Luya


luya gamot sa uric acid

Ang luya ay mabisang gamot para sa uric acid. Ayon sa isang pag-aaral, kapag pinangtapal mo ang luya sa iyong nananakit na kasu-kasuan ay mababawasan ang iyong pananakit. 

Para gamitin ang luya bilang panggamot sa uric acid, magyadyad ng luya at ito ay pakuluan. Itapal ang niyadyad na luya sa apektadong parte ng iyong katawan at itapal ng hanggang 15-20 minutes. Ang pinagkuluang tubig naman ay pwede mong lubluban ng bimpo, pigaan, at siya mong itapal naman sa iyong mga kasu-kasuan. Pwede ka ring gumawa ng salabat at inumin ito 3 beses sa loob ng isang araw.

Gamot sa Uric Acid: Saging


saging gamot sa uric acid

Ang saging ay pwede ring makatulong para maibsan ang mga sintomas na dulot ng iyong mataas na uric acid level. Mayaman kasi ang saging sa potassium at nakakatulong para gumana nang maayos ang mga organs ng iyong katawan. Kumain lang ng isang saging araw-araw para hindi sumakit ang iyong kasukasuan.

Gamot sa Uric Acid: Mansanas


mansanas gamot sa uric acid

Isa pang mainam na gamot para sa uric acid ay ang mansanas. Meron kasi itong tinatawag na malic acid na nakakatulong para bumaba ang iyong uric acid level. Kumain lang ng isang mansanas araw-araw pero huwag hihigit sa isa. May konting tamis din kasi ang mansanas na pwedeng mag-trigger ng mataas na uric acid.

Gamot sa Uric Acid: Tubig


tubig gamot sa uric acid

Para maiihi mo ang mga toxins ng iyong katawan, uminom ng maraming tubig. Ugaliing uminom ng 8-9 baso ng tubig araw-araw o higit pa. Ang tubig kasi ay nakakapag-neutralize ng kung ano mang sobrang kemikal sa katawan.

Gamot sa Uric Acid: Mga Prutas na May Vitamin C


vitamin c gamot sa uric acid

Bagamat ang mga prutas na may vitamin C ay maaasim, nakakatulong ang mga ito para magkaroon ka ng normal na uric acid level. Ang vitamin C kasi ay nakakatulong para mailabas mo sa iyong katawan ang iyong mataas na uric acid. Pwede kang kumain ng bayabas, lemon, orange, o kaya naman ay kamatis.


Marami pang iba't ibang natural na lunas para sa uric acid. Pero ang mga nabanggit sa taas ay isa sa mga pinakamadadali mong makikita sa iyong kusina o mabibili sa palengke. At para tuluy-tuloy ang pagbalik sa normal na level ng iyong uric acid, umiwas sa mga bawal gaya ng pagkain ng mga mapupulang karne at isda, matatamis, pag-inom ng alak, paninigarilyo, at labis na pagpapagod.


Sources:
Natural Home Remedies for Gout
Uric acid diet: These foods will help you keep uric acid at normal levels
Natural Ways to Reduce Uric Acid in the Body

Wednesday, January 16, 2019

Gamot sa Heartburn: Home Remedies Para sa Hyperacidity

gamot sa heartburn

Kung umiinit ang iyong sikmura pataas at may nalalasahan kang mapait-pait at maasim-asim, malamang may heartburn ka. Bukod sa mga sintomas na ito, posibleng may heartburn ka kapag ikaw ay naduduwal, naninikip ang dibdib, at nahihirapan kang makahinga.

Kadalasan, ang heartburn ay dulot ng stress, obesity, paninigarilyo, at labis na pag-inom ng alak at kape. Kaya naman, para maibsan ang mga sintomas ng heartburn, pwede mong subukan ang mga sumusunod na home remedies para sa heartburn o hyperacidity.

Gamot sa Heartburn


1. Paluwagin ang mga suot na damit.


Minsan, kaya tumataas ang stomach acid sa iyong esophagus kasi naiipit ito ng masisikip mong damit. Para bumaba ang iyong stomach acid, tanggalin ang iyong bra, huwag ikabit ang butones ng damit o pantalon, at tanggalin ang iyon sinturon. Saka na lamang ibalik pag okay na ang iyong pakiramdam. Pero dapat medyo maluwag-luwag na ang iyong pagkakasuot sa iyong mga damit.

2. Umupo o tumayo nang tuwid.


Para bumalik ang stomach acid sa dapat nitong kalagyan, umupo o tumayo nang tuwid. Pag naka-upright position ka, sa tulong ng gravity, bababa ang stomach acid mo.

3. Maglahok ng luya sa iyong mga nilulutong pagkain.


Para magamot ang iyong heartburn, maglahok ng luya sa iyong mga nilulutong pagkain. Bukod sa pampabango ng lutuin, nakakatulong ang luya para hindi ka maduwal. Mas okay kung gagawa ka ng sabaw na may luya para mainitan din ang iyong sikmura. Pero huwag ka gagawa ng purong ginger soup o ginger tea, masyadong matatapang na ang lasa ng mga ito.

4. Mag-ngata ng bubble gum.


Ang pag-ngata ng bubble gum ay nakakatulong para mag-produce ka ng maraming laway, na siya namang nag-eencourage ng paglunok. Kasabay ng paglunok mo sa iyong laway ay ang pagbaba ng iyong stomach acid.

5. Uminom ng pinaghalong baking soda at tubig.


Dahil ang baking soda ay "base" at hindi "acid," mabisa itong paraan para gamutin ang iyong hyperacidity. Para gamitin ito, ihalo ang kalahating kutsarita ng baking soda sa sa 1/4 tasa ng tubig. Kung after 5-7 minutes ay nag-iinit pa rin ang iyong sikmura, uminom ulit.

6. Uminom ng antacids.


Kung hindi gumana ang mga nabanggit na home remedies sa itaas, uminom ka ng gamot na antacids para sa heartburn. Ang mga kilalang antacids ay Maalox, Mylanta, Gelusil, ranitidine at famotidine. Ilan sa mga gamot na ito ay hindi na kailangan ng reseta ng doktor.


Sources:
Tips para makaiwas sa heartburn at GERD
HYPERACIDITY: Labis na Dami ng Asido sa Tiyan
4 Quick and Natural Home Heartburn Remedies
How to Get Rid of Heartburn

Monday, January 14, 2019

Mga Halamang Gamot sa Allergy sa Balat

halamang gamot sa allergy sa balat

Ang allergy sa balat ay maraming nagiging sanhi. Pwede kang magka-skin allergy dahil sa pagkain, alikabok, pagdikit sa mga makakating halaman, at iba pa.

Ang kadalasang sintomas ng anumang klase ng allergy sa balat ay pangangati, pamumula at pagpapantal. Para maibsan ang mga ito, maaaring subukan ang mga halamang gamot na ito.

Aloe Vera

aloe vera gamot sa allergy sa balat
Aloe Vera, Halamang Gamot sa Allergy sa Balat

Ang aloe vera ay isa sa mga halamang gamot na nakakapagpagaling ng allergy sa balat. Ito ay may taglay na anti-inflammatory properties na nakakapagpahuba ng pangangati at pamumula ng balat. Bukod dito, ito ay mayroong antibacterial at anti-fungal properties. Kunin lamang ang gel ng aloe vera at ikuskos ito sa apektadong balat para magbigay ginhawa sa iyong pakiramdam.

Neem Leaves

neem gamot sa allergy sa balat
Neem Leaves, Halamang Gamot sa Allergy sa Balat

Madalas ginagamit ang dahon ng neem tree bilang pantaboy ng mga lamok. Pero pwede rin itong halamang gamot sa allergy sa balat dahil sa taglay nitong anti-inflammatory at anti-irritant properties. Pakuluan lang ang dahon ng neem tree, pagkatapos ay salain ito at kunin lamang ang pinagpakuluan. Pwede kang gumamit ng cotton balls para ipahid ito sa apektadong balat, o pwede mo rin itong gawing pampaligo.

Lemon 

lemon gamot sa allergy sa balat
Lemon, Halamang Gamot sa Allergy sa Balat

Ang lemon juice ay epektibo ring gamot para sa allergy sa balat. Ipahid ang lemon juice sa kumakating balat at hayaan itong matuyo. Pagkatapos ay hugasan ito ng tubig. Bukod sa nakakapagbigay ginhawa ito sa iyong makating balat, pwede ka pang pumuti dahil ito ay may vitamin C at bleaching properties.


Anu-ano pang mga halamanga gamot sa allergy sa balat ang alam ninyo? I-share sa comment box!

Thursday, January 10, 2019

Halamang Gamot sa Eczema

Ang eczema ay sakit sa balat na nagdudulot ng pamumula at pangangati ng balat. Madalas dapuan nito ang mga bata pero nagkakaroon din nito ang mga matatanda.

Madali lang naman gamutin ang eczema kasi nagkalat na sa mga botika ang mga eczema cream. Pero kung ayaw mong gumastos, pwede namang gamitin ang mga halamang gamot na ito para gamutin ang iyong eczema.

Guyabano Leaves

guyabano halamang gamot sa eczema

Kung may tanim kang puno ng guyabano, pwede mong gamitin ang mga dahon nito upang pagalingin ang iyong eczema. Kumuha ng murang dahon ng guyabano at dikdikin. Ipahid ang katas o dagta nito sa apektadong balat upang gumaling.

Guava Leaves

bayabas halamang gamot sa eczema

Gaya ng dahon ng guyabano, ang dahon ng bayabas ay pwede ring panggamot ng eczema. Pwede kang magpakulo ng dahon ng bayabas at gamitin itong pampaligo o panglanggas. Ang prutas ng bayabas ay pwede mo namang kainin para madagdagan ng bitamina ang iyong katawan upang kuminis ang iyong kutis.

Madre de Cacao Leaves

madre de cacao halamang gamot sa eczema

Ang madre de cacao ay may mabahong amoy pero ito ay epektibong halamang gamot para sa eczema. Ang mga dahon nito ay may taglay na antifungal properties na mabisang gamot sa kahit anong skin diseases gaya ng eczema. Kahit nga sa mga alaga nating hayop na may galis-galis ay epektibo ang madre de cacao.

Acacia (Tree Bark)

acacia halamang gamot sa eczema

Kung may puno naman kayo ng acacia, pwede kang kumuha ng tree bark nito para ipanggamot sa iyong eczema. Gayatin o dikdikin ang tree bark nito upang maging maliliit na piraso. Pagkatapos ay pakuluan ito at gamiting panglanggas sa iyong eczema.

Aloe Vera

aloe vera halamang gamot sa eczema

Ang taong may eczema ay madalas nagkakaroon ng dry skin na pwedeng magsugat. Pero gamit ang gel na mula sa aloe vera, tinutulungan nito na i-moisturize ang iyong balat. Bukod sa natural moisturizer ito, ang aloe vera ay may taglay na antibacterial properties at may kakayahang pagalingin ang anumang sugat sa balat para hindi ka magka-impeksiyon sa balat.

Moringa o Malunggay

malunggay halamang gamot sa eczema

Ang langis na gawa sa moringa o malunggay ay nakakatulong para pagalingin ang iyong eczema. Meron kasi itong anti-inflammatory at antibacterial properties na tumutulong para hindi lumala ang pagsusugat ng iyong balat.


Marami pang ibang halamang gamot sa eczema na talaga namang nakakatulong para bawasan ang pamumula at pangangati ng iyong balat.

Kayo, may alam pa ba kayong mga halamang gamot para sa eczema?

Monday, January 7, 2019

Ano ang Nangyayari sa Tiyan Pagkatapos Manganak?

ano ang nangyayari sa tiyan pagkatapos manganak
Image Source: Buzzfeed

Noon, akala ko pag nanganak ka na, balik agad sa dating hugis ang iyong katawan, lalo na ang iyong tiyan. Kasi, nakalabas na si baby di ba? Pero di pala ganon yun.

Ano nga ba ang nangyayari sa tiyan pagkatapos manganak?

1. Mukha ka pa ring buntis.

Kung ikaw ay normal delivery, mukha ka pa ring buntis pagkatapos manganak. Ang iyong tiyan ay parang may laman pa rin na 5-month old baby. Bakit? Kasi "lumobo" ang iyong matres, matatagalan pa ito bago lumiit ulit at bumalik sa dating pwesto. Isa pa, andyan pa rin yung mga tira-tirang dugo at panubigan na naiwan sa iyong tiyan. Pero kusa naman itong lalabas.

2. Pakiramdam mo ay parang mahuhulog mga lamang-loob ng tiyan mo.

Noong nanganak ako, pakiramdam ko ay mahuhulog ang mga bituka ko. Siyempre, nagkaroon ulit ng space di ba noong nailabas mo na si baby. Habang lumalaki siya sa loob ng iyong tiyan noon, ay tinutulak nito ang iyong mga organs at nasisiksik kung saan-saan. Kaya naman noong nailabas na si baby, parang nagrambulan sa loob ang iyong mga organs. Noong unang pagtayo ko nga sa kama, talagang naramdaman kong nagbagsakan mga lamang-loob ko.

3. Mabigat ang pakiramdam ng iyong tiyan.

Hindi ko lang alam sa iba, pero noong nanganak ako, parang mas mabigat pa yung pakiramdam ng tiyan ko kaysa noong nagbubuntis pa ako. Sinusuportahan ko nga yung tiyan ko ng kamay ko dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam, tapos parang mahuhulog pa mga bituka ko. Para makakilos ka nang maayos, talian mo yung ilalim ng tiyan mo ng paha or yung mahabang scarf ba, para ito yung susuporta sa bigat ng tiyan mo.

4. Nagiging malambot na malambot ang tiyan mo.

Pagkatapos kong manganak nang normal delivery, yung tiyan mo parang ang lambot-lambot. Parang lobo na may tubig. Sobrang jiggly niya kapag i-shashake mo yung tiyan mo. Parang yung mga lawlaw na balat ng mga matatanda sa mga braso nila.

5. Mag-uultawan ang mga stretchmarks mo.

Akala ko, ang unti lang ng stretchmarks ko. Pero nung nanganak ako, saka lahat nag-ultawan yung mga stretchmarks ko. At sobrang hapdi nila. Pero yung ibang mommies, masweswerte. Wala silang stretchmarks kahit naunat nang sobra yung tiyan nila.


Sa ibang mga mommies dyan, ano pa yung mga na-notice nyong pagbabago sa tiyan nyo after niyo manganak?

Friday, January 4, 2019

Tips Para Gumaling ang Ubo at Sipon ni Baby

gamot sa ubo at sipon ng baby
Image Source: The Champa Tree

Kapag may ubo at sipon ang iyong baby, talaga namang nakakabahala. Lalo na kung ang baby mo ay bagong silang o 0-3 months pa lang.

Gaya ng baby namin, nagkaroon siya ng ubo at sipon noong siya ay 1-1/2 months pa lang. Dala na rin siguro ng malamig na panahon, December siya nagkasakit. O kaya naman ay nahawa siya ng kung sino mang nakasalubong namin na may ubo at sipon nang dinala namin siya sa center para pabakunahan.

Alam namin na delikadong magkaroon agad ng ubo at sipon ang bagong silang pa lang, kasi pwede itong maging pulmonya, at ito ay nakamamatay. Agad kaming nagpa-schedule sa pedia para maipa-checkup ang baby namin.

I-shashare ko lang sa inyo ang iba't ibang tips para hindi lumala at gumaling ang ubo at sipon ng iyong baby. 

1. Dalhin agad ang inyong baby sa pedia lalo na kung siya ay 0-3 months pa lang.

Sobrang hina pa ng resistensya ng mga bagong silang na sanggol. Madali silang dapuan ng mga sakit-sakit kahit na sobrang ingat mo sa pag-aalaga sa kanila. Kaya huwag ma-guilty at kung pakiramdam mo ay naging pabaya kang ina or ama.

Dapat ipa-checkup agad ang iyong baby sa pedia para matingnan nang mabuti kung ito ba ay normal na ubo at sipon lamang, o kung ito ay pulmonya na ba. Huwag magpatumpik-tumpik pa at manghinayang sa perang pampa-checkup, 300-350 lang naman ang pampa-checkup kadalasan. Kung walang pera, dalhin sa center para libre. May mga naka-assign na doktor doon.

2. Huwag hayaang matuyuan ng pawis ang iyong baby.

Nakakalala ng ubo at sipon kapag pinagpawisan ang iyong baby. Lagyan siya ng sapat na bentilasyon para maiwasan ang masyadong pagpapawis. Buksan ang bintana para makapasok ang hangin. Kung bubuksan naman ang bentilador, huwag itong idirektang itapat kay baby.

Palitan lagi ng damit  ang iyong baby every 3-4 hours, kahit na hindi mo nakakapa kung pinagpawisan ba siya. Iangat-angat ang iyong baby sa pagkakahiga. Kargahin siya o iba-ibahin ang pwesto niya sa kama para hindi mapirmi at pagpawisan.

3. Dalasan ang pag-breabreastfeed o pagpapainom ng formula milk.

Nung nagpunta kami sa pedia, pinayo ng doktor na iincrease namin ang feeding ng aming baby. 3 oz siya at every 3 hours ang normal niyang feeding time. Sabi samin ng doktor, gawing 4 oz ang gatas at every 2 hours ang pagpapainom. Formula milk kasi ang baby namin.

Huwag painumin ng tubig ang mga sanggol na may edad 0-5 months. Basta gatas lang. Para may nutrients na pumapasok sa katawan. Para na rin ma-flush ang sipon at plema.

4. Painumin ng niresetang gamot.

Ang niresetang gamot sa aming baby ay antibiotic at mucolytic. Ang diagnosis kasi sa kanya ay bronchitis. Bronchitis, ibig sabihin ay may pamamaga sa daanan ng hangin na ang dulot ay bacteria. Yung antibiotic ay para mapuksa ang impeksyon, at yung mucolytic naman ay para lumambot ang plema at mailabas ng iyong baby. Depende sa edad ang takal ng gamot. Via dropper lang naman.

5. Pausukan ang iyong baby.

Niresetahan din ang aming baby ng pampausok para makahinga siya nang ayos. Gagamitan ng nebulizer. Nanghiram kami sa kapitbahay namin noong unang mga araw, pero bumili na rin kami ng sarili namin kasi madalas daw nagkakaroon ng ubo at sipon ang mga bata.

Mura na lang ngayon ang mga nebulizer. Kung sa Mercury kayo bibili, mapapamahal lang kayo kasi mga 3k plus ang nebulizer dun. Yung nabili namin, worth 600+ pesos lang sa Shopee. Hindi naman kailangan ng heavy-duty na nebulizer. Makakakuha din kayo ng nebulizer na worth 400+ lang. Mag-abang lang kayo ng Flash Sale sa Shopee or Lazada.

6. Painumin ng gamot sa tamang oras.

Kaya hindi agad gumagaling ang ubo at sipon ng iyong baby kahit na ipina-checkup mo na siya ay hindi mo naman siya pinapainom ng gamot sa tamang oras. Or minsan, hindi mo lahat binibili yung niresetang gamot. Imbis na 5-7 days ang gamutan, ginagawa mo lang na 2 days tapos di ka na bibili ng gamot. Kaya huwag ka na magtaka kung bakit hindi gumagaling ang ubo at sipon ng iyong baby.


Para sa mga magtatanong ng kung anong brand name ng antibiotic, mucolytic, at pampausok, ay hindi ko po sasabihin. At kung ilan ang takal nila. Depende kasi yun sa timbang at edad ng baby. Para sure, go na sa pedia.

Tuesday, January 1, 2019

Mga Pagkaing Pampapayat

Happy New Year mga ka-PHT!

Napapanahon na naman ng paggawa ng bagong resolusyon, at ang isa sa mga nangunguna sa listahan ay ang pagpapapayat.

Bagamat maraming nagkalat na mga gamot at inumin na pampapayat, hindi natin maitatanggi na ang mga ito ay may kamahalan.

Pero maaari mo pa ring maabot ang iyong pinapangarap na payat na pangangatawan sa pamamagitan ng pagkain ng mga herbal na ito:

Pagkaing Pampapayat #1. Sili

pagkaing pampapayat sili
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner
Ayon kay Doc Willie Ong, ang sili ay mabisang pagkain na pampayat dahil pinapabilis nito ang metabolism ng ating katawan. Kapag kumain ka ng sili, pinapainit nito ang iyong katawan at tinutunaw ang iyong calories o mga taba-taba. Kaya naman, kahit hindi ka nag-ehersisyo, basta kumain ka ng sili, ay talaga namang pagpapawisan ka.

Pagkaing Pampapayat #2. Luya

pagkaing pampapayat luya
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner
Ang luya ay isa ring mabisang pagkaing pampapayat. Gaya ng sili, ito ay nakakapagpainit ng katawan. At kapag uminom ka ng tsaa na gawa sa luya, ikaw ay mabilis na mabubusog. Kaya naman, hindi ka agad-agad magugutom at kakain nang kakain.

Pagkaing Pampapayat #3. Oregano

pagkaing pampapayat oregano
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner
Ang oregano ay kilala bilang halamang gamot sa ubo at sipon, pero mabisa rin itong pampapayat. Dahil sa taglay nitong anti-inflammatory properties, nababawasan nito ang mga cellulite ng iyong katawan na karaniwang nasa iyong pwetan at likod ng hita.

Pagkaing Pampapayat #4. Paminta

pagkaing pampapayat paminta
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner
Ang paminta ay epektibo ring pampabilis ng metabolism ng katawan para matunaw ang mga taba-taba. Para sa mas mabisang pampapayat, kumain ng 1-2 ng pamintang buo tuwing umaga. Kung hindi mo naman kaya ang maanghang na lasa nito, ilahok ito sa iyong mga paboritong ulam.

Pagkaing Pampapayat #5. Gumamela

pagkaing pampapayat gumamela
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner
Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang bulaklak ng gumamela ay pwedeng kainin. Pwede ka ring gumawa ng gumamela tea para sa iyong weight loss goal. Ang gumamela kasi ay may kakayahan ding pabilisin ang metabolism ng katawan para ikaw ay pumayat. Sabi nila, ang gumamela tea ay medyo manamis-namis.

Pagkaing Pampapayat #6. Aloe Vera

pagkaing pampapayat aloe vera
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner
Isa pang halaman na pwede rin palang kainin ay ang aloe vera. Bukod sa kinukuskos ang gel nito para lumago at maging shiny ang iyong buhok, pwede rin pala itong gawing tsaa o juice para ikaw ay pumayat. Ang aloe vera ay may anti-oxidants para linisin ang ating katawan at maging toxin-free. Kailangan kasi ng toxin-free na katawan para ikaw ay mag-umpisang pumayat.

Pagkaing Pampapayat #7. Bawang

pagkaing pampapayat bawang
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner
Hindi lang mabisang pampababa ng altapresyon ang bawang. Mabisa rin itong pampapayat. Ang pagkain ng hilaw na bawang ay nagpapainit ng katawan, na siya namang nagpapapawis para ikaw ay pumayat. May taglay din itong anti-oxidants para maging toxin-free ang ating katawan.

Pagkaing Pampapayat #8. Neem Flower

pagkaing pampapayat neem flower
Image Not Mine: All Credits to the Rightful Owner
Ang neem ay kadalasang ginagamit para pangtaboy ng mga lamok. Pero pwede palang gawing juice ang bulaklak nito para pumayat ang ating pangangatawan. Ang juice na gawa sa neem flower ay may kapaitan, kaya upang mabawasan ang pait nito, haluan ito ng lemon o honey.


Hindi porket ikaw ay araw-araw kumakain ng mga halamang pampapayat na ito ay ura-urada ka ng papayat. Kailangan pa rin haluan ng pag-eehersisyo at balanseng nutrisyon upang ikaw ay pumayat.

Para sa mga masugid nating mambabasa, anu-ano pang mga halaman ang alam niyong mabisang pampayat? I-share sa comment box!