About

About Pinoy Health Tips

Ako si Lem Enrile, ang blogger ng Pinoy Health Tips. Graduate ako ng nursing at pasado rin sa board exam.

Ginawa ko ang Pinoy Health Tips blog para magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa kalusugan.

Ang mga impormasyon na ibinabahagi ko rito are based from credible health websites. Pero hindi ko rin binabalewala ang mga testimonya or experience ng mga tao about health in real life.

Nagsasama din ako ng mga nirerekomendang home remedies ng mga nanay natin or ng mga nakakatanda. Bagamat hindi natin alam ang science sa likod ng ilang mga nirerekomenda nilang home remedies, hindi natin maitatanggi na epektibo rin ang mga ito.

Hindi ko ginawa ang blog na ito para palitan ang ekspertong mungkahi ng mga doktor. Kung may mga kasamang gamot na nakalista sa blog, ang sources nito ay from doctors din or other health practitioners. Sinusulat ko din yung references ko para ma-double check niyo.

Pero para mas sigurado, always consult a doctor. Hindi kasi lahat ng sakit ay pare-parehas ang paggamot o pag-aasikaso, kasi may unique na kondisyon ang bawat tao.

If may gusto kayong isulat ko or i-research or i-compile (na relevant sa health), email niyo na lang ako sa ranxlem@gmail.com. Bawal ang spam.

Para sa mga katanungang gamot, diagnosis at medikal, mas okay na sa Buhay OFW kayo magtanong. Maraming doctors diyan na sumasagot online. Narito ang link: Buhay OFW: Ask Filipino Doctors.


- Lem Enrile, Blogger of Pinoy Health Tips

Must Read

loading...