Paalala

Hindi doktor ang may-akda

Ako po ay hindi doktor. Hindi ko ginawa ang Pinoy Health Tips blog para palitan ang ekspertong mungkahi ng mga doktor.

Bagamat rehistradong nurse ako, hanggang health education lamang po ako, at hindi taga-diagnose ng sakit at taga-reseta ng gamot.

Kaya kung may katanungan kayo tungkol sa inyong kondisyon, hindi po ako makakasagot kung ano talaga ang sakit niyo, kasi kailangang masuri ito nang personal ng isang doktor.

Kung gusto niyo po talaga ng online medical advice, sa Buhay OFW: Ask Filipino Doctors po kayo magtanong.


Tungkol sa references ng blog na ito

Pinipilit ko po na isama ang references ng mga sinasabi ko sa bawat artikulo. At sinisiguro ko din na sa credible health websites ako kumukuha ng mga impormasyon.

Kung may mga gamot na nakasaad sa artikulo, sinisiguro ko po na may kasama itong source na ang nagsulat o nagsabi ay isang doktor o ibang health practitioners.


Tungkol sa pagkokomento

Bago po magtanong o magcomment, magbasa muna nang maigi. Minsan ang katanungan ay nasagot na sa artikulo, pero magtatanong pa rin.

Nakikiusap din po ako na huwag tadtarin ng submit ang parehas na komento ng 5x o higit pa. Hindi niyo po talaga makikitang naka-publish agad ang komento niyo kasi kailangan ko munang i-approve.

0 comments:

Must Read

loading...